Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Kaila Estrada.
Sa mga trending na serye gaya ng ‘Viral Scandal’, ‘Linlang’, at ‘Can’t Buy Me Love’, kilala ang aktres sa kanyang topnotch performances. Idagdag pa rito ang katatapos na hit seryeng ‘Incognito’ na sumabak siya sa maiinit at maaksiyong mga eksena, sadyang nagmarka na ang kanyang husay bilang aktres.
Si Kaila rin ang bagong mukha ng Santé BarleyMax at excited na ang lifestyle and wellness brand na Santé sa opisyal na paglulunsad sa mahusay na aktres. Kasama niya rito ang impressive roster of ambassadors ng Santé gaya nina Kim Atienza, Vic Sotto, at Vice Ganda.
Ang Star Magic artist ang kokompleto sa line-up ng #LiveForMore ambassadors ng Santé.
Alamin kung paano isinasabuhay ng anak nina John Estrada at Janice de Belen ang kahalagahan ng holistic well-being.
Sa pagdiriwang ng Santé sa ika-18 anibersaryo nito, sinasalubong ng brand si Kaila upang ikalat ang mensahe ng kalusugan para sa batang henerasyon-pagpapatunay na wala sa edad ang pag-aalaga sa sarili.
Suportado ni Kaila ang bagong panahon ng youth wellness bilang ambassador nito.
Sa interviews at features, makikita ang dedikasyon at sipag ng aktres sa kanyang mga ginagawa para sa balanseng pamumuhay. Kaya naman bahagi na siya ng pamilya ng Santé sa pagpo-promote ng healthy lifestyle.
Ang Santé BarleyMax ay isang leading health supplement na gawa sa certified organic barley grass powder mula sa New Zealand.
Ang produkto ay layuning ma-inspire ang bagong henerasyon ng consumers na mas lalong alagaan ang kanilang mga katawan. At ngayong si Kaila na ang mukha ng brand, umaasa ang Santé na makakonekta sa mas batang merkado upang maikalat ang kahalagahan ng kalusugan sa gitna ng kanilang busy schedules at upang patunayan na mainam na maaga silang mag-invest sa kanilang well-being.
Alam ng batang henerasyon ang impormasyon na isa dapat ang holistic wellness sa kanilang mga pangunahing layunin sa buhay. “I’m incredibly honored to join the Santé family alongside such respected personalities gaya nina Kuya Kim Atienza, Bossing Vic Sotto, at Meme Vice Ganda,” wika ng kalulunsad lamang na brand ambassador.
Sambit pa ng aktres, “It’s amazing to be part of a brand that’s committed to helping people live healthier lives, no matter their age. Para sa akin, this is about owning my life, my body, and my goals. Maingat din ako with what I endorse, because I believe in taking care not only of my name but also in my responsibility to those who support me. Kaya naman honored ako to say yes to Santé.”
Kinakatawan ni Kaila ang modern, empowered woman – independent, driven, at conscious sa kanyang well-being. Nauunawaan niya ang kahalagahan ng kanyang kalusugan at kinabukasan kaya naman perfect fit siya para sa brand.
Isang tingin lang sa kanya ay sapat na para ma-appreciate hindi lamang ang kanyang kagandahan, ngunit pati na rin ang kanyang tahimik na kompiyansa sa pag-aalaga sa kanyang sarili. At para sa batang henerasyon, healthy is not just the new sexy – it’s the new wealthy.