PCSO Board Of Director Head Imelda Papin, Madalas Kasama Si First Lady Lisa Marcos Sa Pagkakawanggawa!
Advertisers
Ni Peter Ledesma
YES, si Manay Imelda Papin ang opisyales ng gobyerno na talagang nagtatrabaho 7 days a week para sa tao na nangangailangan ng medical assistance (libreng gamot at hospitalization) mula sa tanggapan nila sa Philippine Charity Sweeptakes Office. At katuwang niya rito ang sister na si Ms. Aileen Papin na kanyang assistant officer sa PCSO na sanay rin sa public service dahil naglingkod itong konsehala noon.
Ang maganda sa serbisyo ni Manay Imelda (tawag ko sa iconic singer) ay talagang ni-request niya sa ating Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos na gawing pitong araw sa isang linggo ang kanilang serbisyo sa PCS0. Yes, ganyan kalaki ang puso ni Manay Imelda sa mga kababayan nating kapos sa buhay. Importante sa kanya ang kapakanan ng mga ito kaya marami silang naisasalbang buhay.
Yes, araw-araw ay dinadagsa ng tao ang opisina ni Manay Imelda na humihingi sa kanila ng tulong. Samantala, kagagaling lang ni Manay Imelda sa Baler, Aurora at isinama siya rito ng ating First Lady na si Liza Araneta-Marcos. Madalas silang magkasama ng unang Ginang lalo na sa mga kawanggawa o charity works.
Kamakailan lang ay namahagi sila ng tulong sa maraming residente sa Malabon. Nasa 1,500 ang nabigyan nila Manay Imelda at Lisa Marcos ng ipinamahagi nilang Charitimba sa PCSO na pantawid gutom ayuda nila. Tinawag ang proyektong ito ni First Lady Lisa na LAB for All Caravan, na ginawa sa Malabon City Sports Center last July 29, 2025.
Maliban kay Manay Imelda, dumating din sa nasabing caravan ang General Manager ng PCSO na si Sir Mel Robles at co-directors ni Imelda na sina Janet Mercado at Jennifer Guevara.
Hindi lang sila namigay ng Charitimba kundi ibinahagi rin ng ahensya ang lotto shares ng siyudad para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon na nagkakahalaga ng
P1,396,466.49. Malugod at masaya itong tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Bilang ahensiyang naglalayong magbigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan at pagkawanggawa, ang PCSO ay isa sa mga partner ng LAB for All Caravan, mula pa noong taong 2024, kasama si First Lady Lisa Marcos sa pag-iikot sa buong bansa upang ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan. Ang Malabon naman ay pang 26 na siyudad na nasuportahan ng PCSO.
Nakapamahagi rin ng Charitimba si Manay Imelda sa maraming barangay sa Metro Manila na mga apektado ng bagyong Crising. Katuwang niya rito si Jennifer Guevara at Special Assistant na kapatid na si Aileen Papin. Tunay ngang may malasakit sa kapwa si Imelda. She deserves a higher position in our government.
***
Sharon Cuneta Super Pasabog Ang Pictorial Sa MEGA MAGAZINE
AT her age na 60 na ay nagawa pa ni Sharon Cuneta na magpa-sexy sa kanyang latest pictorial sa Mega Magazine na siya ang celebrity cover.
Yes, may shot si Sharon na naka tangga na nababalutan ng manipis niyang red gown. Iba’t-ibang pose ang ipinagawa sa kanya sa said pictorial at mapapa-wow ka dahil parang nasa 30’s lang niya ang iconic singer-actress. Pero dinadaan pa rin nito sa biro ang pag-pose niya nang sexy.
“BTS: MEGA @megamagazine shoot(with hearts and smile emojis) kung nagulat kayo, ako din! Minsan lang! (At kinilig ang asawa ko! @kiko.pangilinan Parang di yata makapaniwala ako yung asawa niya 10 years ago.” Caption pa ni mega.
Samantala, nauna nang itinanggi ni Sharon sa kanyang latest interview ang isyu na kaya siya pumayat at naging seksi uli ay dahil nagte-take raw siya ng Ozempic.
“I never went on Ozempic,” sey pa nito sa interview sa kanya ng KC After Hours ni Karmina Constantino. Paglilinaw pa ni Sharon, sinubukan lang niya minsan ang ibang gamot pero agad ding hininto dahil sa epekto sa kanyang health, lalo na’t my heart condition umano siya at matagal nang umiinom ng maintenance medicine since 2016 pa.
Ang Ozempic ay pine-prescribe ng doctor for weight loss. Si mega ay nag-effort na mag-diet at magtodo exercise kaya siya pumayat.