Advertisers

Advertisers

Patay na ang katarungan, sigaw ng karamihan!

0 2,115

Advertisers

Ang galit, ngitngit at pagkadismaya ng karamihan — sa radyo, telebisyon lalong na sa social media— ay lantaran nang nadarama at nakikita sanhi ng patuloy na kampihan ng mga dati at bagong halal na senador sa pagaapurang pulungin ang Senado at magdeklara ng pagsasantabi o “archive” ng impeachment complaint laban sa bise presidente.

Ang isang kilalang professor sa UP ay hindi makapaniwala na isang nagtapos sa UP Law School ang magiging tampulan ng sisi ng mga mamamayan, legal luminaries, academe, constitutionalists at mga organisasyong nasa sektang legal dahil sa lantad na pagkiling sa vice president na nahararap sa impeachment mula ilang buwan na ang nakalilipas. Ito ay dahil sa hindi niya ibig ipaliwanag sa mga nakaraang pagdinig ng Kongreso ang daan-daang milyong pisong pondo para sa edukasyon ng mga kabataan at pangangailangan ng mga pampublikong paaralan. Nakita sa mga pagdinig ang matigas na paninindigan ni Duterte na di umimik kung paano niya ipinamahagi ang pondong ibinigay ng pamahalaan na pantustos ng mga DEP ED needs and requirements in the performance of its mandate.

Itong nakaraang 3 araw, ang karatula ng isang cause-oriented group na namuo sa labas ng Senado ay nagpaskel na ang Senado ang libingan ng hustisya…maroon ding ibang sekta ng lipunan na ang batikos ay sa paraang survey na “kailangan pa ba ng bayan ang isang Senado?”

Ang ilang bagitong kahahalal pa lang bilang senador ay naguunahan nang pumailanlang sa kanilang nalalamang mandato— ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay umaani ng maiinit at “di-malunok na komento” ! Over acting at over zealous — in my own observation.

Isang kaanak diumano ng isang bagong halal na senador ang na well-publisized sa trimedia at socmed na sinita umano ng isang senador pagkaraang ito ay mag-“thumbs down” magtapos igawad sa sesyon na “Archived” na ang Impeachment complaint laban kay Duterte…isinantabi. O “kung masusumpungan” e pupwedeng pagbalik tanawan?!

Marami-rami na rin ang mga nag voice out ng kanilang opinion sa socmed at kadalasan ay mababasa sa nilang FB subscriber ang pagbabangayan ng mga di-magkakakilala na tiga-iba’t ibang paksyon o political fence. Isang pakahulugang aktibo ang demokrasya at maalwang nagagamit ng mamamayan ang kanilang karapatang ayon sa ating Bill of Rights sa ating Constitution.

Ngunit hanggang dito na lang ba ang karunungan at kakahayahan ng Senado sa Ibinahaging komento ng korte suprema na “unconstitutional” ang proseso na naganap hinggil sa pagsususog ng Articles of Impeachment laban kay Duterte? Sa kadahilanang ang Senado ang ultimong may karapatan at kapangyarihan na mag pagganap ng Impeachment ng sinumang public official, karamihan, kung di man lahat ng mga dating hurado o husgado ay nagsasabing maaring naabuso o may nakaligtaang probisyon patungkol sa pagpapaganap ng proseso.

Sa kabilang banda, nuong malaman na nagsugo ng rekonsidersasyon ang lower house ng kongreso sa korte suprema, “apurahan namang gumawa ng sesyon ang upper house to deliberate kung itutuloy o ididismis ang impeachment process” na parang pagbabale walang hintayin pa ang resulta ng aksyon sa mosyon ng lower house! — ito ay pahayag ng isang tauhan ng mababang kapulungan.

Ngayon at ang proseso ay naisantabi na … maraming open-minded na mamamayan ang bukas pa rin ang pagasang sa Febrero 2026 ay papailanlang na muli ang lower house of Congress sa paniwalang makakamtan ng sambayanan ang katarungan! Sa kanila, hindi pa Patay ang Hustisya!

Umaasa ang napakaraming PILIPINO na lilinawin ni Duterte ang pinandiganan niya—kaysa habang buhay siyang inuusig ng ating mga mamamayang uhaw sa katarungan!