Advertisers
Ni Archie Liao
THE buzz is on dahil muli na namang pinag-uusapan si Alden Richards kaugnay sa short clip na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.
Sa video, makikita ang isang lolang nagre-real talk habang nagtatalop ng prutas.
Malaman ang mensahe ng video kung saan nag-dialogue ang matanda ng : “Alam mo ang pinakamahirap na trabaho ay iyong naging mabuti kang tao sa mga walang kuwentang tao sa paligid mo.”
Hirit tuloy ng kibitzers, muli na naman daw nagpaparunggit ang aktor.
May mga nagtatanong pa kung may muling pinagdadaanan ang A-lister.
May mga nang-iintriga namang hindi pa rin daw nakaka-move on si Alden sa napabalitang nang-scam sa kanya sa negosyo.
Ikinokonek pa nga ito sa kapwa niya aktor na diumanoý pinagkatiwalaan at pinautang niya pero di na siya nabayaran.
Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa hugot ni Alden.
“Sus pa realtalk pero AI na image naman.”
“SINO kaya ang nang-scam sa Kapuso heartthrob na si Alden Richards na nagkakahalaga ng P100 million?”
“Eh ano ngayon kung AI. Hindi naman fake news yung sini-share nya eh. Lahat na lang may issue sa bashers kaloka. G na G palagi kay Alden ang mga totga fans ??”
“it’s not the image, it’s what she said”
“Parang may mga bubog sya sa dibdib”
“Looks like AR is just finding out how the world works 😀 😀 :D”
“Pero aminin nyo totoo naman ang sinabi ng AI”
“Agree!”
“Di pa rin ba sya maka move on sa nangutang at nag scam sa kanya?”
“Ano nangyari Kay alden.may midlife crisis ba Eto?”
“Kung magrereklamo ka lang naman, eh di wag ka nang gumawa ng mabuti. Dami mong reklamo. Ano gusto mo, medal?”
“Who hurt you boy?”
“Si K kasi nadugasan siya ng milyones. Di pa siya na babayaran.”
“may pahaging ba sa first lady ng lucena.”