Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam kay Direk Gina Alajar ng broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes para sa kanyang YouTube channel, natanong siya kung naranasan din ba niya ang tinatawag na “child actor syndrome” dahil nagsimula rin siya sa showbiz sa murang edad.
Sagot niya,”Meron part naman sa buhay ko na nagkaroon ng ganun especially nung bata bata pa ako. I did drugs also kung yun yung gusto mo puntuhin,” pag-amin ng beteranang aktres.
“Sa umpisa naman, simple simple lang na marijuana. Eventually, naging curious dahil may mga na uso, may mga pumasok na bagong droga
“Na-involve kami sa shabu and I loved it so much because ang naging come on ng shabu na yun ay dahil hindi ka inaantok, which we need.
“Kasi yung mga panahon na yun ang trabaho namin hindi mo alam kung anong oras matatapos,” aniya pa.
Dahil dito, nagkaroon daw siya ng mga “hallucinations” dahil halos 72 oras siyang gising dahil sa tine-take na droga.
“May nangyari sa buhay ko, sa buhay ng mag-asawa and I just decided oops, tama na, ito na yun. Hinto na tayo. With my bags and the kids’ things, umalis ako sa bahay,” pag-alala pa ni Gina.
Sa ngayon, namumuhay na ang award-winning actress at direktor nang walang bisyo.
***
BAGO tuluyang magpakasal, nagpa-despedida muna sa pagiging single ang TV host na si Shaira Diaz at fiance niya na si EA de Guzman.
Sa episode ng Unang Hirit noong Biyernes,, naghandog ng bonggang Despedida de Soltera y Soltero ang UH family para sa dalawa.
Alam naman natin na isa itong tradisyong Pinoy kung saan nagpapaalam na ang bride at groom sa kanilang single life.
Bukod sa hosts ng morning show, dumalo rin ang mga mahal sa buhay ng couple –ang kani-kanilang pamilya at ang bridesmaid ni Shaira na si Arra San Agustin.
At dahil hindi kumpleto ang despedida kung walang pasabog na regalo, kanya-kanyang dala ang UH hosts.
Si Arnold Clavio ay nagbigay ng kumot, unan naman ang pre-wedding gift ni Susan Enriquez, habang sina Anjo Pertierra at Kaloy Tingcungco ay matching pajamas na may mukha ng couple ang naka-print.
Kitang-kita sa mukha ni Shaira ang kilig at tuwa sa sorpresa ng kanyang UH famiily.
“Sobrang na-touch po kami sa ginawa na ‘to ng UH Family. Malaking parte kayo ng buhay ko…sobrang excited ako,” sabi niya.
Si EA naman, todo proud at hindi maitago ang excitement para sa nalalapit nilang wedding.
“Matagal ko ring inantay ‘to. 12 years, syempre excited din akong maging asawa ng isang Shaira Diaz,” sambit niya.