Advertisers
Ni Beth Gelena
PUMIYOK na si Kyle Echarri sa mga tsismis na lumalabas tungkol sa kanila ni Piolo Pascual.
Pinabulaanan ng young actor ang mga sitsit sa kanila ni Papa P at nilinaw na magkapatid lang ang turingan nilang dalawa.
Ibinahagi niya na naging malaking suporta sa kanya ang aktor noong mawala ang kanyang kapatid.
Sa isang panayam, sinagot ni Kyle ang mga haka-haka tungkol sa kanyang relasyon kay Papa P at tahasan niya itong binigyang-linaw agad.
“Kapatid ko ’yan. He is a brother, a best friend of mine. Ano isipin ng tao, sa kanila na. Kami, alam namin magkapatid kami,” ani Kyle. Wika pa niya, si Piolo ay nag-serve bilang isang mentor sa kanya sa nakalipas na dalawang taon, lalo na nang dumaan siya sa mabigat na yugto—ang pagkawala ng kanyang nakababata na kapatid.
“He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po nakaalam sa pinagdadaanan ko noon. One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”
Sina Kyle at Piolo ay may isang action film kung saan gaganap sila bilang mag-ama.
“Pambihira ang anticipation,” ayon kay Kyle.
“Malapit niyo na mapanood. We have been talking about it for years—finally mapapanood na,” aniya.
Sa usaping pag-ibig, hindi rin nagmamadali si Kyle. “There is always time for love, pag feel mo. Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan meron ako agad,” paglilinaw niya.
***
MICHAEL BUBLE TUMANGGI MAG-GUEST KAY SOFRONIO VASQUEZ
KINUKUHA pala ni Sofronio Vasquez na mag-guest ang kanyang mentor sa The Voice USA si Michael Bublé para sa kanyang concert dito sa Pinas.
Pero, ayaw daw ng international singer.
“Sabi niya, ‘Kasi gusto ko kapag dumating ako sa show mo, it has to be very particular and it has to be magical for the both of us.’ He’s going to make it big for sure,” sey ni Sofronio.
Looking forward pa naman ang singer sa muling pagbisita ng international singer-songwriter dahil matagal-tagal na rin itong nagtungo ng Pinas.
“Excited na rin talaga siyang kumanta dito. Sabi ko sa kanya, the last time you were in the Philippines was I think PICC. So hopefully he comes here,” ani Sofronio sa isang panayam.
“Kinukulit ko talaga siyang mag-guest but he begged off. ”
Naalala niya ang best advice sa kanya ni Michael, “Sabi niya, (it) doesn’t mean you can, you should.”
Magkagayunman, patuloy pa ring magre-release ng extended play (EP) ang The Voice USA champion na ipo-produce ng Canadian singer-songwriter.
“Nasasabik akong ibahagi na si Michael Bublé ang gumagawa ng aking EP,” pakli niya.
***
AKTIBO na naman ang vlog ni KC Concepcion.
Sa bago niyang uploaded sa kanyang Instagram Page ay ang pagbisita niya sa Farmers Market.
Aniya, “NEW VLOG UP! Ready for another market trip to continue our PALENGKE SERIES??”
“Hi, loves! It’s another fun ‘palengke’ market day for us! First time ko sa Farmers Market in Quezon City, and wow, I had the best time!”
Inikot ng mega daughter ang buong palengke ng Farmers.
“From fresh veggies to freshly caught seafood to a huge variety of fruits… napa-shopping na naman ako,” aniya.
“Nag-grocery ako ng slightly extra sa Farmers Market, Cubao! Catch me buying veggies I can’t pronounce, and gutting fish because…my life skills unlocked sa pagda-daing ng bangus. The lobsters were sooo nice. I didn’t want to steam them…hahaha need ko lakasan ang loob ko.”
May pahabol pa ang mega daughter ni Sharon Cuneta.
“P.S. Non-Filipino friends just hit ‘CC!’ Subtitles are clear & made with love by me. Keep your Subtitles On! I write them myself so won’t miss a thing!”
May bago din siyang natutunan sa kanyang pamamalengke.
“Yes- natuto tayong mag-debone ng ‘bangus’ (shoutout to Nanay Malou) na perfect for ‘daing na bangus’!” sabi niya.
“Lahat para sa pagmamahal sa pagluluto ng ating Philippine at Southeast Asian na pagkain, at siyempre, pagpapakita ng suporta para sa ating mga lokal na magsasaka at mangingisda!” highlighted niya.
Na-enjoy din ang actress-host ng pagluluto ng seafood sa Dampa.
“We had the most amazing Farmers Market palengke day and sobrang happy ko dahil namakyaw na naman tayo so let’s support local. Let’s support our farmers.”
Dati, bumisita na si KC sa Salcedo Market, ang pinakamamahal na open-air weekend market ng Makati.