Advertisers
LIMANG Vietnamese national ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati City dahil sa illegal practice of medicine,napag-alaman sa ulat
Ang mga dayuhan ay nakilalang sina Phan Ngoc Duc, Tuan Anh Pham, Thi Dieu Linh Dinh, Voung Thi Ngan, at Lo Thi Mai.
Sa ulat ng NBI, inaresto sila ng mga operatiba ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa isinagawang entrapment operation noong Agosto 7 sa Barangay La Paz, Makati City. Sa panahon ng operasyon, ang mga dayuhan ay “nahuli sa flagrante delicto (caught in the act) of performing the overt act.” Ang mga kagamitang medikal na ginamit sa mga pamamaraan ay nasamsam din ng mga operatiba.
Sinabi ng NBI na ang mga inaresto ay kinasuhan sa Makati City Prosecutor’s Office ng mga paglabag sa Republic Act (RA) No. 2382, ang Medical Act of 1959, kaugnay sa RA No. 10174, ang Cybercrime Prevention Act of 2012; RA 9711, ang Food and Drug Administration Act; at RA No. 10918, ang Philippine Pharmacy Act.
Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng napatunayang impormasyon na ang ilang mga dayuhang mamamayan ay nakikibahagi sa hindi awtorisadong pagsasanay ng medisina.
Napag-alaman na ang mga indibidwal ay nag-a-advertise ng kanilang mga serbisyo sa mga social media platform na nag-aalok ng mga cosmetic procedure tulad ng brow lifts, lip surgery, fox eye surgery, under-eye fillers, thread lifts, at upper eyelid surgery.
Matapos ang surveillance, sinabi ng NBI na ang limang dayuhan ay natagpuang nagsasagawa ng medical procedures nang walang kinakailangang lisensya ng gobyerno mula sa Professional Regulation Commission. (JOJO SADIWA)