Advertisers

Advertisers

Sunwest at Legacy kumamal ng bilyones sa Romblon

0 5,713

Advertisers

HINDI lang ang kontrobersiyal na flood control project ang nabuldos ng Sunwest at Legacy sa maliit na probinsiya ng Romblon kundi cross country roads at seawalls.

Ang Sunwest ay pag-aari ng pamilya ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co, ang dating chairman ng pinaka-makapangyarihang House Committee on Appropriations.

Pero sinabi ni Zaldy Co na nag-divert na siya sa Sunwest simula nang pumasok sa politika. Sus!!!



Ang Sunwest at Legacy ang kumakana ngayon ng mga flood control at seawall projects sa buong lalawigan ng Romblon partikukar sa mga isla ng Tablas at Sibuyan, kungsaan may mga ginawa pa silang reclamations.

Pati kabundukan ay ginawan nila ng kalsada, cross country roads kuno, mga kalsada na walang gamit, hindi madaanan dahil matatarik, at ngayon ay hindi na makita dahil nagkaroon na ng mga sapa sa gitna at tinubuan narin ng mga damo. Waste of taxpayers money!



Ang mga seawall na kanilang itinayo ay inirereklamo ng mga residente. Dahil naging sanhi na ito ng mga pagbaha, at nasira ang natural na ganda ng lugar dahil natakpan na ng mataas na seawall, na ang iba ay sira nadurog na ng alon dahil sa substandard na pagkagawa.

Ayon sa tala ni pangulong Bongbong Marcos, Jr., ang Sunwest ay nakakorner ng 78 flood control projects na nagkakahalaga ng P10.1 billion, karamihan ay sa mga probinsya kungsaan nangunguna ang Romblon; habang ang Legacy ay nagkaroon ng 132 flood control projects na nagkakahalaga ng P9.6 billion!



Itong Sunwest ay masyadong kontrobersiyal. Marami itong proyekto na kuwestiyunable, kabilang na rito ang mga nakorner nilang proyekto noong Covid ‘19 pandemic kabilang ang outdated laptaps ng DepEd. Mismo!

Teka, paano ba napunta sa Romblon itong Sunwest at Legacy? Sino ang nagdala sa kanila sa rito? Walang duda ang trapo ng lalawigan, si Congressman “Budoy” Madrona.

Kaya kung iimbestigahan man ang Sunwest at Legacy sa mga proyekto nila sa Romblon, sabit dito si Madrona, ang kinikilalang “Diyos” ng mga politiko sa lalawigan. Tuldukan!

***

Binira ni House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Representative Ronaldo “Ronnie” Puno si Senate President “Chiz” Ecudero sa P74-billion PhilHealth subsidy at ang pagbawas sa budget ng DepEd.

Aniya, walang kinalaman ang House sa pagkaltas sa budget ng PhilHealth at DepEd at paglobo ng pondo ng flood control projects, ang Senado raw ang may gawa nito. Durog si Chiz!

Nabuking din ang relasyon ni Chiz sa Sunwest Co. at sa Centerways na nakakorner ng malaking bahagi ng pondo sa flood control projects.

BFF ni Chiz si Zaldy Co ng Sunwest, habang ang presidente ng Centerways na si Lawrence Lubiano ay nagbigay ng P30m campaign fund ni Chiz noong 2022 elections.

Ang Centerways ay nagkaroon ng P5.16 billion flood control project.

Si Lubiano ay dyowa umano ng anak ni Co, ang manager ng Sunwest at Centerways.