Advertisers
NASAWI ang isang engineer at kritikal ang misis nito nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Doña Lourdes, Barangay Zone II, Koronadal nitong Miyerkolea ng umaga, Agosto 13, 2025.
Kinilala ang nasawi na si Engineer Kesse Junsan at kritikal ang kabiyak nitong si Maria Miguel.
Base sa ulat ng Koronadal Police Station, sakay ang mag-asawa ng kanilang sasakyan nang sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang mga ito.
Ayon sa mga saksi, sakay ng Bajah kawasaki ang mga salarin, at mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima nguni’t idineklarang dead on arrival ang engineer at nasa kritikal na kondisyon ang kanyang misis.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente ang pulisya.