Advertisers
MULA sa action-filled victory ng GILAS PILIPINAS versus host team SAUDI ARABIA, umakyat ito sa Quarterfinals ng FIBA ASIA CUP 2025. As of writing, tapatan sa exciting rematch ang PILIPINAS at AUSTRALIA. Tiyak na isinapuso ng ating national team ang ensayo para sa muling pagharap vs AUSTRALIA na ikinokonsiderang pinakamalupit sa team roster.
Dehado pero Kasado sa defending champ na AUSI, laban lang, win or lose, kalmado si Juan dela Cruz.
Exciting ang rematch dahil sa nagdaang game na nauwi sa brawl, tinaguriang Royal rumble, kung saan nayanig ang caging world sa panonood. Sa score na 48-79, dehado na ay inulan pa ng trash talk ng AUSI ang GILAS at siniko pa ang Pinoy na pumalag pero sinuntok ng AUSI kaya rambulan na! Inumog ng Pinoy ang AUSI. Remarkable game! So, whatever, Palaban ang GILAS!
Kaya ba sobrang init ng GILAS boys sa game vs SAUDI, wagi sa final score 95-88, mula deadlock 79-79 para marating ang Quarterfinals at balikan ang bullies na defending champ AUSI boys?
Matindi ang crucial shots sa game na yun sa JEDDAH, KSA na kahit si Head coach TIM CONE ay saludo sa hot performance. Ang 3 points ni JUSTIN BROWNLEE sa last 8 seconds ang lalong nagpainit sa GILAS boys para talunin ang SAUDI team.
Amusing maman ang Overseas Filipino Workers (OFW) Pinoy fans sa cheers na humataw sa huge crowd habang iwinawagayway ang Philippine flag. Sobrang pride doon pa lang, how much more sa bunton ng million Sports followers sa buong mundo watching via television?
Hindi tsamba dahil sobrang init at maaksyon ang performance ng GILAS sa laban. Yung makapasok lang sa Quarterfinals ngayong FIBA ASIA CUP 2025, dapat lang po nating suportahan pa lalo ang national.team.
Ang tunay na suporta at love natin sa ating athletes, makikita sa bawat laban, win or lose, tuloy ang suporta, with matching dasal pa po, di ba? After all, sa bawat laro, may panalo, may talo. Bilog ang bola, remember? Enjoy and remain being sport! SALUDO sa GILAS! SALUDO sa Pinoy Athletes!
AUGUST CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Sir JOHN JAMESON PAJITA of ILIS Faculty, RENZ MARION NIVIAR SANTOS (Cavite), ANGELITA FRANCISCO & JOSELITO ‘Joy’ FRANCISCO of Bataan, EDILBERTO SICAM DIRECTO (Valenzuela), Mam VIOLETA DAQUINA BUENA (AUPC} & ALTHEA JOYCE PERALTA. Best blessings and More birthdays to come! HAPPY READING!