Advertisers

Advertisers

PLDT, Chery Tiggo salpukan para sa PVL on Tour title

0 14

Advertisers

INUKIT ng PLDT ang 27-25, 22-25, 19-25, 25-16, 15-10 wagi laban sa crowd – favorite Creamline para maabot ang Premier Volleyball League (PVL) on Tour final Martes ng gabi.

Umiskor si Savi Davison ng walo sa kanyang 34 points sa fifth set, upang pamunuan ang High Speed Hitters sa panalo matapos ang dalawang oras at 26 minuto sa Araneta Coliseum.

“This is hard work, sweat and tears,” Wika ni Davison, na nakamit ang Best Player of the Game. nagtala rin siya ng nine digs at nine receptions

Kim Dy nagdagdag ng 14 points sinundan ni Majoy Baron ng nine points, tampok ang three blocks,habang si Jovie Prado at Mika Reyes nag-ambag ng tig-8 points.Kim Fajardo, nagtala ng two aces at gumawa ng 25 excellent sets.

Ang 10-time league champion Creamline ay pinamunuan ni Jessica Margaret Galanza, na umiskor ng 20 points off 17 attacks at three blocks.

Skipper Alyssa Valdez bumakas ng 18 points, kabilang ang spike na naglagay sa Cool Smashers sa 9-10, sa fifth frame.

Michelle Gumabao at Jeanette Panaga nagdagdag ng 16 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ng PLDT ang Chery Tiggo sa Linggo one-game finale alas 6:30 ng hapon.

Tinalo ng Chery Tiggo Crossovers ang Cignal HD Spikers, 25-17, 16-25, 25-21, 25-23.

Ara Galang at Cess Robles umiskor ng tig-15 points para sa Chery Tiggo, na bumalik sa PVL final sa unang pagkakataon in four years.

Imee Hernandez at Renee Peñafiel nagdagdag ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod. “I’m so happy and proud of the team. It’s not over yet, there is still Sunday,” Wika ni Galang, pinangalanan na Best Player of the Game.