Advertisers

Advertisers

Kelot huli sa Grave Threats at iligal armas sa Valenzuela

0 42

Advertisers

Naaresto ng mga operatiba ng  Patrol Base 7, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joseph G. Talento, Valenzuela Acting Chief of Police, ang 59-anyos na lalaking suspek na may kasong  Grave Threats at paglabag sa  R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Sa ulat, 9:50 ng gabi ng Lunes ng maaresto ito sa Disiplina Village, Barangay Bignay, Valenzuela City.



Napag- alaman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na inireklamo ang suspek ng isang 31-anyos na delivery rider.

Paalis ng kanyang bahay ang biktima nang komprontahin ng suspek  at bigla na lamang itong inilabas ang baril at tinakot ang biktima, hanggang tutukan ito ng baril.



Natyempuhan namang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng patrolling Patrol Base 7, na napansin ang nangyayaring komosyon na naging dahilan sa pagkaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) caliber .38 Smith & Wesson revolver na kargado ng apat na bala, at walang naiprisintang dokumento.



Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa criminal complaints sa kasong Grave Threats and Violation of R.A. 10591 habang nahaharap sa inquest proceedings.(Beth Samson)