Advertisers

Advertisers

Bangkay ng sundalo na tinangay ng malakas na agos sa ilog, nakita na

0 10

Advertisers

Natagpuan ang isang bangkay ng mga residente sa bahagi ng Ilog Mangangan, Sitio Lucban, Barangay Mangangan 2, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang natagpuang bangkay na si Pvt. Leomar Esbieta, 28-anyos, binata, at residente ng Purok 6, Rizal, Occidental Mindoro.



Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Baco Municipal Police Station mula kay Barangay Captain James Mark Enriquez tungkol sa natagpuang bangkay ng mga residenteng nangangalap ng mga bato sa ilog.

Agad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Baco MPS at kasunod nito, dumating din sa lugar ang tropa mula sa 76th Infantry Battalion.

Kinumpirma nila na kabilang ang bangkay sa mga sundalo na nagsasagawa ng operasyon sa lugar kasunod ng engkwentro kamakailan.

Tumatawid sa ilog ang mga sundalo noong gabi bilang bahagi ng operasyon subali’t natangay ng malakas na agos ang apat sa mga ito. Nailigtas ang tatlo pero hindi nasagip si Esbieta.(Ronald Bula)