Advertisers

Advertisers

Estudyanteng nakapulot ng celpone gusto sex kapalit sa may-ari

0 16

Advertisers

DINAKIP ang isang lala-king nagbigay ng kondisyon bago magbalik ng napulot niyang cellphone sa babaeng may-ari nito.



Ayon sa Catbalogan Police, naiulat na nawala ang cellphone ng biktima Agosto 16, 2025. Nagawa raw siyang makontak ng nakapulot sa pamamagitan ng social media kungsaan nag-alok muna ito na makipagtalik sa kaniya ang biktima bago niya isauli ang cellphone.

Ayon pa sa mga awtoridad, positibong natukoy ang lalaki na isang 19-anyos at Grade 12 student, habang ang biktima ay estudyante rin.

Humingi ng tulong ng biktima sa kaniyang mga kaibi-gan bago kumagat sa nais ng lalaki.

Nakipagkasundo raw ang biktima na kitain ang lalaki kungsaan niresbakan ito ng kaniyang mga kaibigan at saka tumawag ng mga nakarondang pulis sa lugar.

“The arresting police officer informed the suspect of the cause of his arrest as well as his constitutional rights under the Miranda Doctrine. The suspect was then escorted to Catbalogan CPS together with the victim and the arresting witness for proper documentation and disposition,” ayon sa Catbalogan City Police.

Nahaharap ang lalaki sa kasong ‘theft’ at ‘grave threat’.