Advertisers

Advertisers

Mag-among opisyal tandem sa pagnanakaw sa kaban ng bayan sa Zambo

0 6

Advertisers

SINO ito opisyal ng pamahalaan at asawa ng kanyang alalay na opisyal din ng pamahalaan ang tandem sa ilang mga sub contract project sa Zamboanga.

Hindi man ito flood control project subali’t lubha namang mapanganib para sa publiko dahil ang mga materyales na ginamit sa mga naturang proyekto pawang hindi akma sa design at porma ng proyekto.

Mantakin mong ang mag-among opisyal na ito hindi lang tandem sa iisang departmento o ahensyang kanilang kinabibilangan kundi tandem sila sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.



Sayang tuloy ang pagiging guwapito at pagsusuot ng mga amerikana at barong hindi bagay dahil nagbabalot lamang ang mga ito ng kawalanghiyaan.

Kaya hindi nagkapagtataka kung bakit ganoon na lamang karangya ang buhay ng naturang opisyal at kanyang alalay.

Bukod sa mayroon itong pag-aari na mga mamahaling sasakyan na nakaparada lang naman sa isang probinsya nais pa nito magkaroon ng bag collection na sobrang luho talaga.

Hindi naman siguro bahagi o miyembro ang mga ito ng Special Action Forces (SAF) para ganoon kagarapal mangurakot sa kaban ng taong bayan.



At ang dahilan ng kanilang kung bakit nila paborito ang Zamboanga na lugar dahil sa tago daw ito at mahihirapan nang ma-detect ng Pangulo ng bansa.

Baka magulat na lamang sila dahil nai-post na pala ito sa isumbong sa Pangulo website.

Sige pintahan na natin ang opisyal na ito na isang dating negosyante na naging politiko at may mga kamag-anak sa kongreso at hanapin natin si Shrena Easton na isang sikat na singer noong dekada 89’s tiyak ipapakilala niya sa inyo.