Advertisers

Advertisers

Jong Madaliday waging The Clash 2025 Grand Champion

0 10

Advertisers

NAGWAGI bilang Grand Champion ng The Clash 2025 si Clashbacker at Season 1 Runner-Up Jong Madaliday!

Matapos ang ilang buwan ng matitinding performances at nakakakabang eliminations, natunghayan ngayong gabi, September 7, ang grand finale na puno ng saya at galing.

Sa huling laban, umangat si Jong laban sa kanyang mga kalaban matapos ang kanyang powerful at heartfelt rendition ng Someone You Loved. Tinodo niya ang performance na tumatak hindi lang sa The Clash Panel kundi pati sa milyun-milyong nanood sa TV at online.

Hindi naging madali ang journey na ito dahil malalakas din ang mga nakalaban niya. Ang mga co-finalist na sina Arabelle Dela Cruz, Liafer Deloso, at Juary Sabith ay nagpakita rin ng outstanding talent, kaya lalong naging intense at exciting ang labanan para sa titulo. Pinatunayan ng kanilang performances na ang The Clash ay tunay na tahanan ng world-class Pinoy talent.

Mula umpisa pa lang, kitang-kita na ang husay ni Jong at sa grand finals, lalo niyang pinatunayan na karapat-dapat siya sa spotlight. Bilang Grand Champion, naiuwi ni Jong ang ?1 milyon, isang management contract mula sa Sparkle GMA Artist Center, at isang brand-new house and lot mula sa Lessandra, kabuuang higit sa ?4 milyon na premyo.

Isang bagong simula ito para kay Jong at tiyak na marami pa siyang ma-i-inspire sa kanyang kwento at talento. Congratulations, Jong Madaliday!