Advertisers

Advertisers

SENADOR KIKO NAGREAK SA POST NI DONNY; JAKE PINAGPALIT NI CHIE KAY LHULLIER

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGSALITA si Donny Pangilinan tungkol sa katiwalian pagkatapos ng Trillion Peso March, kamakailan.

Isa si Donny sa nagtipun-tipon na mga Pilipino para igiit ang pananagutan at ang pagbabalik ng pondo ng publiko na nawala umano sa katiwalian.

Nagbahagi siya ng mga larawan mula sa rally at isang malakas na mensahe na umalingawngaw sa panawagan para sa reporma at hustisya.

Ang kanyang post ay mabilis na nakakuha ng malawak na atensyon sa online, libu-libong mga reaksyon at komento mula sa mga kapwa mamamayan.

Isa si Senator Kiko Pangilinan, na pinuri ang katapangan ng kanyang pamangkin sa paninindigan.

Idinagdag ni Donny ang kanyang boses sa lumalakas na sigawan para sa hustisya at reporma sa makasaysayang Trillion Peso March.

Ani ng aktor, “Nagsimula na ang shift. Gising na ang mga Pilipino. Hindi pa tapos ang laban, ngunit balang araw magiging sulit ito.”

“Tama na. Ikulong na ang mga magnanakaw. Ibalik ang pera ng taumbayan. #TrillionPesoMarch #BahaSaLuneta.”

“Salamat sa iyong tapang, Donny,” ani ng senador sa comment section.
***
SWEET ESCAPADES NG ECHONINE PINOST NI JANINE

MAY mga larawang ipinost si Janine Gutierrez ng mga sweet escapades nila ng boyfriend na si Jericho Gonzales sa kanyang Instagram Stories.

Saka sinulatan niya ito ng simpleng caption na mula sa kanyang puso, “you. happy birthday my babadoodie.”

Yes po, kaarawan ng kanyang baba kaya naman ang mga candid clip ay nagpapatunay kung gaano kasaya ang EchoNine kapag magkasama.

Ang birthday message ni Janine ay isa sa mga bihirang personal na post na ikinatuwa ng kanilang mga tagasuporta.

Kinilig ang fans sa celebrity couple lalo na para sa aktres dahil natagpuan na raw nito ang right guy sa kanyang buhay.

Samantala, binatikos ang aktres nang hindi siya makita sa malawakang rally kamakailan.

Halos lahat kasi ng celebrities ay naroroon para kalampagin ang gobyerno sa mga katiwalian na kanilang ginagawa, tulad ng tax na kanilang binabayad na napupunta lang pala sa kani-kanilang bulsa.

Panay naman kasi ang kuda ng ibang netizens na pinuna ang mga sikat na artista na wala sa rally.

Hindi muna nila inaalam kung nandito ba sa Pinas ang ibang celebrity o may mas importanteng commitment.

May paliwanag ang aktres sa kanyang IG account.

Aniya: “WE STAND AGAINST CORRUPTION. Ibalik ang perang ninakaw sa mga Pilipino at panagutin ang mga magnanakaw.

” Out of the country today, but my heart is in the streets with you. Tama na mga palusot oras na para managot.”

Ayan siguro naman titigil na ang mga kumukuda sa aktres lalo na yung mga fans diyan na malaki ang galit sa aktres sa hindi malamang kadahilanan.

May isa namang nagkomento, patungkol sa aktres na si Kathryn Bernardo, “Buti pa to si Janine nagsasalita talaga para sa masa. Pero ikaw @bernardokath ang pabebe mo pa rin, sayang ang 20.6 million mo out of touch ka sa reality hindi ka marunong makiisa sa masa.

Aba, maging si Senador Kiko Pangilinan ay pinasalamatan si Janine, ” Thank you for your courage,” aniya.
***
MAY panibago na namang celebrity couple ang umano’y break na, sina Jake Cuenca at Chie Filomeno.

Usap-usapang nakita umanong nagpo-promote ng produkto ni Matthew Lhuillier, ang negosyanteng nali-link umano sa huli.

Agad na bumaha ang komento para sa celebrity couple.

“Ay ano ba yun? Kala ko sila ni Jake?”

“Good job girl!!! Wala ka mapapala kay J!”

Sa pagkakaalam po ng marami ay galing din ang aktor sa buena manong pamilya. Kaya huwag pong manghusga.

“Love Jake more, at least sariling sikap si Jake, hanap ka na lang ng iba Jake, marami pa diyan”

“Rich kid din po si jake.”

“Ginamit nya ang utak nya. Ano nga naman mapapala nya kay J. Reality bites!”

“Tama. Utak bago puso. Naku magsasawa siya sa gold diyan. Nag audit kami ng pawnshop dati grabe kakalula un mga tinatago tagong mga ginto. Para kang hari at reyna o pharaoh sa Egypt. Eh si Jake pogi nga pero baka charms and crystals lang maibibigay. Un nga lang pogi nga. Happy ka naman sa aesthetic”

“Kahit anong yaman ng lalaki kung hindi ko naman mahal hindi ko ito pipiliin. Magiging miserable lang ang mundo ko kase nabubuhay ako sa kasinungalingan.”

“Magandang catch! matalinong babae!!!”

Komento naman ng isa, “social climb pa more”

Hahaha, kalokah naman ang komento ng isang ito.

“Payamanan sila ng jowa ah — BA, KB, JB at ngayon CF — sino kaya susunod.”

“Muka nga pero ang tanong wala na bang interesting na babae sa high society kaya panay taga showbiz ang binabagsakan ng mga coño boys na to?”

“…And they will no longer need to work again daig ng mayamang businessman ang gwapong artista.”

“Si jake at gerald bff kaya yan pareho silang walang syota ngaun, o meron ba?”

“Mapera rin si jake tagal ng artista, di sya bread winner may kaya ang family nya”

“Ang hilig ng mga lhuillier sa mga social climbers no?”