Advertisers

Advertisers

ANALYN BARRO NAGPAPASALAMAT SA DIYOS NA HANGGANG NGAYON AY NASA BUBBLE GANG; BIDA SA HE’S DATING A BOLDSTAR WITH MALUPITON!

0 27

Advertisers

By Rommel Gonzales

More than ten years na sa showbiz si Analyn Barro; nagsimula ang Sparkle GMA Artist Center actress sa season 6 ng StarStruck noong 2015.

Sampung taon na ring napapanood si Analyn bilang mainstay sa Bubble Gang.



“Ako naman po kasi I’m really aiming for longevity. Gusto ko ganun.

“Gusto ko mas makilala si Analyn Barro as a versatile actress rather than the fame itself.



“Mas gusto ko yung longevity na andiyan pa rin ako.

“Kasi awa ng Diyos po talaga, awa ng Diyos, nandito pa rin po tayo sa Bubble [Gang].



“Tuluy-tuloy pa rin yung mga may drama tayo, may comedy din po tayo.

“So parang, of course po, I would be a hypocrite kung hindi ko sasabihin na…”

Gusto ni Analyn na mas makilala pa ng mga tao.

“Oo naman po!

“Para more projects, more opportunities for me. At siyempre, yun nga po, longevity talaga yung gusto ko.”

Samantala, lead actress na si Analyn sa pelikula, ito ay sa “He’s Dating A Boldstar”

kung saan ang role niya ay isang aspiring actress na ginawang stepping stone ang pagiging boldstar upang sumikat.

“Ako po dito, yung name ko po dito ay si Kit Sta. Ana. So yung pangarap niya ay maging aktres.

“So hindi siya basta-bastang nakakapasok lang bilang aktres. So naging bold star muna siya.

“Iyon yung parang stepping stone niya bago siya naging actress.

“And then, yung pinaka-challenge dito is parang anong bang pipiliin ni Kit, pangarap niya ba or pag-ibig?”

Naikuwento ni Analyn na medyo nabigla ang ama niya nang nalaman nito sa boldstar ang papel niya sa pelikula nila ng content creator na si Malupiton.

“Actually, nung nalaman ng dad ko yung title, sabi niya, ‘Ha? Magbu-bold ka na?’ Sabi ko, ‘Papa, hindi, hindi.’

“Kasi, actually kasi I was born and raised na probinsiyana so yung upbringing ko very traditional.

“So talagang hindi nila accepted kapag magbu-bold ako.

“But anyway, this is not like hubad-hubad naman talaga. This is R-13 so safe naman po.”

Ano ang challenging sa pelikula?

“Siguro ang pinaka-challenge dito is kasi first time ko silang lahat maka-work so siyempre mag-a-adjust tayo and dahil meron din akong sarili kong adlib. And for sure meron din silang sarili nilang adlib so dapat collaborative lang kami dito.

“Siyempre nung first day po may adjustment talaga na, ‘Oh, may bibitaw ako dito.’ ‘Oh, dito may bibitaw rin ako,’ para mas lalong nakakatawa siya.”

Bukod kay Malupiton, kasama rin sa pelikula ang Kolokoyz TV, Dominic Biong, Joshua Padigos, Rob Sy, Aleck Bovick, Leandro Baldemor, at Allen Deniro.

Ito ay mula sa direksiyon ni Niokz Arcega.

Ipapalabas na ito sa mga sinehan sa October 28.