Advertisers

Advertisers

PETISYONG KUMUKUWESTIYON KAY SEN. ERWIN TULFO, IBINASURA NG SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

0 26

Advertisers

Naglabas ng desisyon ang Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbabasura sa motion for reconsideration para sa ouster o quo warranto petition laban kay Senator Erwin Tulfo.

Sa pamamagitan ng botong 6-3, tuluyan nang tinabla ng SET ang apela na inihain ng nagharap ng petisyon na naglalayong tanggalin sa pwesto si Tulfo dahil sa iba’t-ibang bintang na isyu.

Ayon sa SET, ibinasura ang hiling dahil sa huli nitong paghahain (late filing) at kabiguang sumunod sa mga tamang proseso ng selyo at pagsusumite sa ilalim ng SET Rules.

Bago ang nasabing desisyon ng SET, ibinasura na rin ng Comelec En Banc ang mga hiwalay na disqualification cases laban kay Tulfo at sa kanyang pamilya noong panahon ng eleksyon dahil sa kakulangan ng sapat na legal na batayan at mga iregularidad sa porma ng dokumento.

Tinanggihan ng SET ang motion for reconsideration na naglalayong baligtarin ang naunang desisyon nito na ibasura ang quo warranto petition laban kay Senador Erwin Tulfo.

Nagkaisa ang tatlong miyembro mula sa mayorya ng Senado at ang tatlong Mahistrado ng Korte Suprema na kasapi ng tribunal.

Nagpasalamat si Tulfo sa SET at sa kanyang abogadong si Atty. Karen Jimeno sa pagtatanggol at muling pagpapatunay na dapat siyang manatili sa kanyang puwesto sa Senado. (JERRY S. TAN)