Advertisers

Advertisers

Inisyal palang ito! 421 FLOOD CONTROL PROJECTS KUMPIRMADONG ‘MULTO’ – SEC. DIZON

0 79

Advertisers

IBINUNYAG ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na 421 mula sa 8,000 nainspeksyon nilang flood control projects sa buong bansa ay “ghost projects”.

Iniulat ni Dizon ang kanyang mga natuklasan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos ang ilang araw niyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno na nabanggit na ‘completed’ sa rekord ng ahensya.

Sa tulong ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) o dating National Economic and Development Authority (NEDA), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), sinabi ni Dizon na natuklasan nila na daan-daan na dapat sanang nakumpleto nang flood contol projects ang hindi talaga makita.



Ayon kay Dizon, inisyal pa lamang ito at karamihan ay sa Luzon.

Mas marami pa aniyang matutuklasan kapag ininspeksyon ng DPWH ang iba pang flood control.



Nakatutok ngayon ang DPWH at kanilang partner agencies sa ghost projects dahil ito ang mas madaling matukoy para sa case build-up.

Sinabi naman ni ICI Executive Brian Hosaka na malaking tulong ang report ni Dizon sa mga tuntunin ng pangangalap ng datos at impormasyon. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">