Advertisers

Advertisers

1 patay sa 7.4 magnitude lindol sa Davao

0 38

Advertisers

NASAWI ang isang babae nang yanigin ng 7.4 magnitude na lindol ang Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, ayon kay Governor Nelson Dayanghirang.

Ayon kay Ednar Dayanghiran, Office of Civil Defense XI, Regional Director, tinamaan ang biktima nang nabagsakan ng hollow block sa Calapangan, Lupon, Davao Oriental kungsaan isang gusali ang gumuho.

Sa kasalukuyang, nagsasagawa ng mga ‘search and rescue operation’ sa mga epektadong mga residente at pag-assessment sa idinulot na pinsala ng lindo.



Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation and Lokal na pamahalaan sa mga baybayin ng Brgy ng Davao Oriental matapos maglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kaungay nito, inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office XI at Caraga Region upang tumulong sa mga lugar na apekado ng lindol.

Ipinag-utos ni Nartatez na ma-kipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU) na naapek-tuhan ng malakas na lindol at ti-yakin ang pagpatupad ng kaa-yusan ng seguridad.

Itinaas na rin sa full alert status ang buong puwersa ng PNP sa Ca-raga Region at Police Regional Office 11.



Ayon sa gobernador, may ilang gusaling nasira, habang nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad.

Sinuspinde ang klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan at tanggapan, at pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga re-sidente sa ilang ospital bilang pag-iingat.

Nakaranas din ng pagguho ng lupa at pagkawala ng kuryente sa ilang lugar, ngunit nanatiling maa-yos ang operasyon ng mga pantalan.

Samantala, sa initial na report na natanggap ng PNP, sinabi ni BGen. Randulf Tuano, PNP Spokesperson sa Caraga, na hindi na madaanan ng lahat ng uri ng mga sasakayan ang Magsaysay Bridge sa Butuan City. Nakaranas rin ng power interruptions. (Mark Obleada)