Advertisers
Maraming pahayag sa usaping bayan ang isang senador na pangalanan natin Kawatano na tila latang walang laman na puro ingay ngunit ‘di pinapansin sa kawalan ng laman ang inuusal. Hindi tumitigil at higit na naging matabil na kinairita ng bayan maging ng mga kasama sa bugok na kapulungan. Dahil dala ang usapin ng mga kapwa-bugok, napansin ang pagbibida at sinundan ng talumpati ni Keso na ipinagtangol ang sarili at binato ang dating tagapagsalita ng kapitbahay na ama kuno ng anomalya ng “flood control project” na nagmula sa unprogrammed fund na isiniksik ng pumasok ang usapin ng budget ng pamahalaan sa “Bi-Cam” para sa taong ‘25.
Nakakuha ng pansin ang pagiging matabil ni Kawatano na nagpakilabot sa balahibo ng liderato ng mga bugok. Nagkaroon ng ilang paglipat at kampihan na nagbigay daan sa pagbibitiw sa liderato ng dumidinig sa usapin ng anomalya sa “flood control”, ang komite ng asul na laso. Hindi naging ganap ang lipatan ng ibang senador na nagpalungkot sa matabil na si Kawatano dahil sa ibig lang na mabago’y ang liderato ng asul na komite at ‘di ang liderato na pangkalahatan. Sa kaganapan sa bugok na kapulungan, luminaw ang malabo, ‘di ibig ng nakakaraming kasama ang liderato ni Kawatano sa halip napanatili ng kasalukuyang pangulo na si TitoSen ang SP sa halip na mapunta kay Kawatano o kay Keso. At galawang larawan na ‘di magtatapos o pipigil sa pagiging matabil ng kinatawan mula sa Taguig.
Ang pagkaunsiyame ng pangarap na makuha ang liderato ng bugok na kapulungan ang susi na bumigkas ng ibang himig si Kawatano at inusal ang “snap election” o biglaang halalan sa bansa. Ang panukalang ‘di binigyan pansin dahil ‘di nakitaan ng laman ang pahayag dahil ‘di nagawang magbitiw sa pwestong tangan na pagpapatunay ng ibig ang babago sa pamahalaan. Ang layon na malinis na pamahalaan ay ganap na salitang laway dahil sa ‘di nakuha ang ibig na maging pangulo ng bugok na kapulungan at kagyat na nag-iba ng tinig, “snap election”. Malinaw na ‘di ibig ni Kawatano ang naganap sa sariling bahay dahil sa ginawang pang-iiwan ng mga kasama na dinala kuno ang laban ng iba.
Sa ‘di pagbibigay ng basbas ng mga kasama sa bugok na kapulungan, inusal ang snap election na ‘di tuwirang mausal o sabihin na walang utang na loob ang mga kasama sa bugok na kapulungan. Nag-iisa ang hinayupak sa sigaw na snap election na ‘di aayunan ng mga kasama higit ng mga bagong halal at maging ang magtatapos na may kinahaharap na usapin na kailangan ang puhunan at pwesto ng ‘di kara-karaka na dakpin kung masampahan ng kaso. Malinaw na ang usaping nasa harap ang usapin ng matira ang matibay at mawala ang mahina.
Sa totoo lang, walang lilim ang matabil na si Kawatano higit sa mga usapin sa kagalingan ng bayan lalo sa pinakitang asal sa panahon ng among nasa kulungan. Sa nakaraan at kinalulungkot ng bayan, si Kawatano ang nag-iisang kinatawan sa United Nation (UN) na umusal na dumungis sa imahe ng sariling bansa sa pagsasabi ng dami ng Pinoy na lulong sa bawal na gamot. Pahayag na susog sa bigong programa laban sa droga ng dating pamahalaan na dahilan sa pagkakakulong ni Totoy Osla. Ang salang pahayag sa kaganapang bansa sa nakaraan sa pulong ng mga bansa ang pahayag na ‘di dapat bangitin higit sa mga lider ng iba’t ibang bansa ang tuwiran maglalarawan kawalang lilim ng dating kalihim o ang kinatawan mula sa Taguig.
Ang matabil na pahayag sa isang snap election ang mungkahi na ‘di tanggap ng mga kasama at ibang halal ng bayan maging ng tao sa laylayan. Ang usaping nasa harap ng bayan ay ang katiwalian na kinapapalooban ng mga ganid sa salaping bayan. Ang hindi natuto sa nakaraan at patuloy na nagnakaw sa salaping bayan ang usaping ‘di tatantanan ng bayan maging bago man ang Tserman ng asul na Komite ng bugok na kapulungan. Sa totoo lang, unang dahilan na ibig ng snap election ay ang kalakasan kuno sa taong bayan ng magiging ulo sa halalan na susuportahan. Pangalawa, ang maiwas na ‘di makatakbo sa halalan sa ’28 ang ulong mamanukin dahl sa mga kasong haharapin at ang lihim na dahilan na inililiko ng matabil na walang lilim na si Kawatano.
Sa pagiging matabil inilalayo ni Kawatano ang sarili kay Mang Juan na unang pinaasa sa P10K ayuda na matatangap ng kada pamilya na pangakong napako. Hindi malimutan ng bayan ang pangako na ‘di natupad sa laki ng halagang ilalaan ng pamahalaan. At ang patunay na ang mga banggit nito’y ‘di mapanghahawakan higit sa kagalingan ng bayan. Sa totoo pa rin, ang laro ni Kawatano’y ganap sa pakinabang pansarili na ‘di ma-aalala sa kinabukasan. Ang ‘di nakuhang pag-ayon sa mga kasamahan sa bugok na kapulungan ang patunay na nag-iisa ito sa laban.
Huling baraha ng Mangmang ng kaTimugan ang pamumustura ni Kawatano higit ang “snap election”. Batid ng kaTimugan na sa paglipas ng mga araw, ganap na masusunog ang pangarap ni Inday Gala na maging lider ng bansa. At ang amba ng ICC na dakpin ang ilan sa kaTimugan na nasa bugok na kapulungan dahil sa sala ng bigong programa laban sa droga na nagpapakaba kay Pugo maging sa kamag-anak ng isang kontraktor mula sa Davao na ang pagiging tahimik na walang lalim ang sandatang gamit.
Bilang panghuli, ‘di nakamit ni Kawatano ang ibig na maging pangulo ng bugok na kapulungan o ng mga bugok na dahilan sa pag-usal ng “snap election” na balik sa pang-iiwang ginawa at ganap na mawala ang mga kasamang ‘di tumugon sa nais. Malinaw na walang base si Kawatano sa kapulungan ng mga bugok na ang tanging puhunan ang pagiging matabil ngunit walang lilim. At ito’y batid ng mga kapwa bugok maging ng tao sa laylayan.
Maraming Salamat po!!!!