Advertisers

Advertisers

ROGELIO ENRIQUEZ RABASTO A.K.A. AS VLOGGER ‘DELICIOUS OLD MAN’ MAY UPCOMING MOVIE NA!

0 25

Advertisers

Ni Direk JM

Sikat na Vlogger na si Rogelio Rabasto a.k.a. as Vlogger ‘Delicious Old Man’ na merong 255k followers sa kanyang FB Page may upcoming movie na ginagawa ngayon.

Marami na ang sumikat sa pamamagitan ng pagiging vlogger at isa na nga dito si Rogelio Rabasto na ngayon ay may ginagawa na nga na movie, tittle ‘Respeto’ isang film na magbibigay sa mga kabataan ng aral na kung paano mahalin at tratuhin ang kanilang mga nakatatanda at magbibigay pag – asa naman sa mga matanda tulad sa mga lolo at lola.

Ang naturang film ay handog at produce ng sarili niyang production sa mga manunuod ang R.E.R. Movie Production in cooperation with AAGS movie productions Directed by James Merquise.

Si Rogelio din ang Creative Director ng nasabing film. Screen Play by Ma. Leilani Paraan.
Kasama naman sa naturang film ang ilang sikat na artista tulad nina Akihiro Blanco at Krishna Francisco.

Ang ilan pa sa mga gaganap sa film ay ang mga New Comers sa Showbiz na sina Jaden Paraan as Jake and Rhina Tugade na gaganap bilang teacher sa naturang pelikula.

Kaabang – abang talaga ang film na ito, Target date na maipalabas ang full length film na ito this coming holiday season.

Kung gusto ninyo pang mapanuod ang mga vidoes at vlogs ni Rogelio Rabasto, just follow his FB Page D O M. Abangan pa natin ang mga projects na gagawin ng Vlogger na si ‘Delicious Old Man’.