Advertisers
Natagpuan na ng mga rescuers ng PDRRMO at Sta Maria ang katawan ng 12 anyos na babae na nalunod habang naliligo sa Sitio Pisang River sa Brgy, San Jose Patag sa bayan ng Sta Maria 2:00 ng hapon Oktubre 17 2025.
Sa ulat, 12:30 ng hapon nitong Oktubre 18 ng makita ng mga rescuers ang biktimang si Lady Jane Lau.
Sa inisyal na report ng PNP una ng naligo ang biktima kasama ang kanyang kaibigan,kung saan napadpad sa malalim na bahagi ng ilog ang dalagita na bigla na lamang lumubog.
Dahil sa malakas na agos ng ilog naging pahirapan ang paghahanap ng Sta Maria at Bulacan Rescue sa biktimang si Lady Jane Laurete.
Samantala tumanggi na ang pamilya ng biktima na isailaim sa autopsy examination ang labi ng dalagita.(Thony D. Arcenal)