Advertisers

Advertisers

Sunud-sunod na pamamaril sa mga abogado ikinababahala na ng IBP

0 22

Advertisers

MARIING kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang sunud-sunod na pamamaril sa kanilang abogado at nanawagan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malinaw at patas na imbestigasyon hinggil sa tangkang pagpatay sa isang abogado sa Zamboanga del Norte at pagpatay sa isa pang abogado sa Palawan.

Noong Martes ng hapon, Oktubre 14, 2025, tinambangan at pinagbabaril ang Administrative Officer ng Land Transportation Office (LTO) na si Atty. Eustaquio Dennis Reyes, 46 anyos, habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng Barangay Biayon, Sergio Osmeña.



Mabilis na tumakas ang mga salarin na isang babae at lalaki na kapwa nakasuot ng abo na raincoat at sakay ng itim-abong Yamaha NMAX na motorsiklo.

Nagtamo si Reyes ng mga tama ng bala ng baril sa siko at kanang tagiliran ng tiyan.
Isang buwan pa lamang ang nakalipas, napatay ang Palawan-based lawyer na si Atty. Joshua Lavega Adrian sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa pambansang tanggapan ng IBP, lalo na nitong pinagtitibay ang kanilang mga hakbang upang ma-kabuo ng National Security Framework for Lawyers sa tulong ng Department of Justice (DOJ), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang law enforcement agencies.

“Ang pag-atake sa isang abogado ay pag-atake sa lahat ng nagtatanggol sa batas… Kapag ang batas at ang mga tagapagtanggol nito ay binabantaan, dapat tayong manindigan—nagkakaisa at walang takot—upang hindi manahimik ang hustisya,” diin ng IBP.