Advertisers

Advertisers

Dalagita tumalon sa Caloocan mall

0 299

Advertisers

Sumakabilang buhay na ang 18-anyos na Grade 12 student nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng kilalang mall sa Caloocan City noong Biyernes ng hapon, Oktubre 31.

Muling nagbunsod ang insidenteng nag-viral sa social media ng panawagan para sa mas matibay na suporta sa mental health ng kabataan.

Ayon sa ulat ng Caloocan City Police, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan at menor de edad na babaeng karelasyon nang magtungo sa naturang mall noong bisperas ng Undas.



Sa kuha ng video na kumalat online, makikita ang estudyante na nakaupo sa gilid malapit sa escalator sa ikatlong palapag habang pinipigilan ng mga tao sa paligid, kabilang ang isang security guard at utility worker.

Ilang sandali pa, makikita siyang nagpumiglas at tuluyang nahulog pababa sa ground floor.



Agad siyang isinugod ng mga tauhan ng mall at mga pulis sa Manila Central University Hospital nguni’t binawian din ng buhay matapos ang mahabang oras na operasyon dahil sa matinding internal hemorrhage sa ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan City Police upang alamin kung may naganap na foul play o kung may iba pang dahilan sa insidente.



Samantala, nananawagan ang mga eksperto at lokal na pamahalaan na mas maigting na adbokasiya sa mental health awareness sa mga paaralan at komunidad, lalo na sa mga kabataang nahaharap sa emosyonal na hamon at pressure mula sa social media.

Hinimok din ng mga awtoridad ang publiko na agad humingi ng tulong o makipag-ugnayan sa mga propesyonal kung nakararanas ng depresyon o matinding kalungkutan.

Maaaring tumawag sa National Mental Health Crisis Hotline sa 1553, o sa 0966-351-4518 at 0908-639-2672 para sa Smart, Sun at TNT users.(Beth Samson)