Advertisers

Advertisers

DBM, isinulong ang legacy project ni PBBM sa Maynila

0 12

Advertisers

MULING tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang buong suporta ng DBM sa adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa inclusive development, matapos siyang manguna sa isang pagpupulong at site visit kasama si Mayor Isko Domagoso para sa planong pagtatayo ng Halal Town project sa Maynila.

Ayon kay Sec. Pangandaman, ang proyekto ay isa sa mga pangunahing hakbang sa ilalim ng Bagong Pilipinas agenda ng administrasyon, na layuning makalikha ng trabaho, palaganapin ang pagkakaisa ng mga kultura, at pasiglahin ang turismo sa kabisera ng bansa.

Ibinahagi rin niya na nagpahayag ng kagustuhan ang pamahalaan ng United Arab Emirates na tumulong sa pagpapatayo ng bagong mosque sa Quiapo, na magsisilbing sentro ng Halal Town development.



Ipinahayag din ni Sec. Pangandaman na pinag-aaralan ng DBM ang posibilidad na gamitin ang Local Government Support Fund para matulungan ang Lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng proyekto.

Ang Halal Town ay nakikita bilang isang modernong lugar kung saan magkakaroon ng halal-certified food stalls, fabric shops, at maliliit na negosyo. Kasama rin dito ang smart streetlighting, cultural archways, at disenyo na sumasalamin sa Muslim-Filipino architecture.



Layunin ng proyekto na baguhin ang bahagi ng Quiapo bilang isang makulay na sentro ng kalakalan at kultura, habang pinapanatili ang makasaysayang at relihiyosong pagkakakilanlan nito.

Nagpasalamat naman si Mayor Isko Moreno sa administrasyong Marcos at sa DBM sa kanilang tuloy-tuloy na suporta. Ayon sa kanya, malaking tulong ang proyektong ito hindi lang sa mga taga-Maynila kundi pati sa mga taga-Mindanao na nagbebenta ng kanilang mga produkto sa kabisera. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">