Advertisers

Advertisers

Emman Atienza bill inihain sa Senado

0 16

Advertisers

INIHAIN ni Senador JV Ejercito ng panukalang batas na Anti-Online Hate and Harassment bill o ang “Emman Atienza Bill” para maprotektahan ang kabataan mula sa cyberbullying at online defamation.

Ayon kay Ejercito, bagamat nagsisilbing plataporma ang social media para mailabas ng mga katotohanan nagiging daan din ito para sirain ang reputasyon, magpakalat ng fake news at magsulong ng karahasan.

Ani Ejercito, batid niya na maraming nabibiktima ng online bullying kabilang na ang anak ng TV personality na si Kim Atienza na si Emman Atienza.



Layunin ng naturang panukala na proteksyunan ang bawat indibidwal sa anumang online harassment.

Posibleng makulong at mapatawan naman ng multa na P50,000 hanggang P200,000 ang mga lalabag sa naturang panukala.



Samantala, sasailalim naman sa counseling at bibigyan ng legal aid ang mga biktima ng online hate. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">