Advertisers

Advertisers

Bangka tumaob sa Buluan lake: 1 patay

0 6

Advertisers

Nasawi ang isang ginang nang tumaob ang bangkang sinasakyan kasama ang apat na anak, dahil sa mga malalakas na alon na dulot ng bagyong Tino sa Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Salama Kalon.

Agad na rumesponde ang mga mangingisda at rescuers at nailigtas ang mga bata, na dinala sa ospital para gamutin.



Natagpuan naman ng mga rescuer ng Buluan local government unit, pinangunahan ni Buluan Vice Mayor King Mangudadatu at ng mga mangingisdang mga etnikong Maguindanaon, si Kalon na wala nang buhay.

Naisalba ni Kalon ang kanyang bunsong anak na kasama nito na pilit na ipinatong sa kasko ng tumaob na bangka bago siya tuluyan ng lumubog sa tubig at naglaho.

Nailigtas naman ng kabiyak ni Salama ang kanilang apat na mga anak sa pagkalunod, ayon sa ulat ng mga local officials.

Nagpaabot na ng sapat na ayuda ang local government unit ng Buluan sa pamilya ni Kalon.



Samantala, patuloy ang paglikas ng mga residente sa kanilang lugar dahil sa masamang panahon. Sa Surigao City, mahigit 2,800 pamilya ang inilikas sa ligtas na lugar dahil sa banta ng storm surge at pagbaha.

Ipinagbawal din ang paglalangoy at paglalayag sa dagat sa Cagayan de Oro City, habang nagpatupad ng liquor ban sa Ibajay, Aklan bilang paghahanda sa bagyo. Suspendido rin ang biyahe sa dagat sa pagitan ng Caticlan at Boracay dahil sa mataas na alon.

Bukas ang mga emergency hotline sa mga apektadong lugar, kabilang ang Pagadian City CDRRMO sa 0950-505-4320.