Advertisers
Ni Anne Venancio
Kinuwento ni Xyriel Manabat ang pinagdaanan niyang near-death experience at ang matinding hamon sa kanyang mental health.
Ayon sa aktres, dumaan siya sa punto ng buhay na halos mawalan siya ng malay habang nasa ospital. “Naramdaman ko po talaga na parang wala na, parang tapos na,” emosyonal na pahayag ni Xyriel, na umaming malalim ang naging epekto ng karanasang iyon sa kanya.
Inamin din ng aktres na gusto na niyang sumuko. “May mga araw na sobrang bigat, na hindi mo alam kung saan ka kukuha ng lakas,” aniya.
Ngayon ay mas pinahahalagahan ni Xyriel ang kahalagahan ng paghingi ng tulong at kabaitan sa kapwa. “Maging mabait tayo sa isa’t isa. Hindi natin alam kung anong laban ang pinagdaraanan ng bawat isa,” pakiusap niya.