Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SA ginanap na engrandeng debut ng bagets na beauty queen/actress na si Marianne Bermundo, nakuwento niya ang tinatampukang pelikula na pinamagatang “Ako Si Kindness.”
Pahayag ni Marianne, “Bale sa ngayon po, ang focus ko about sa showbiz ay iyong movie namin na “Ako Si Kindness.”
Pagpapatuloy na esplika pa niya, “It is an advocacy film and my character is Arissa. It is about this girl that is not understood by many. And that was very important to me, because it gives me a sense of understanding to those people na it’s very hard to communicate with.”
Bakit ganoon ang title? “Well, the movie, it revolves around the word kindness, po.
“Bale, ito talaga ang first movie ko po, pero hindi pa naipapalabas and may naunang isa na naipalabas na. Ito po yung horror movie naman na ang title is Magnum,” paliwang pa niya.
Pinagsasabay ni Marianne ang pag-aaral at ang kanyang showbiz career. Siya ay nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ng kursong Bachelor of Science in Accountancy.
Una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang batang beauty queen, may plano ba siyang sumali sa national beauty pageant very soon?
Pakli ni Marianne, “Right now po, I cannot disclose any information, since I don’t have definite plans, yet.”
Kung papasok na siya sa national pageant, anong particular pageant ang gusto niya? “Ever since I was a kid, I really want to join the Miss Universe, Philippines.”
Sa ginanap na marangyang debut ni Marianne recently, punong-abala rito ang kanyang mommy Virgie Bermundo at full-support naman ang rest ng kanilang family sa pangunguna ng dad niyang si Mr. Mark Donald at mga kapatid na sina Vhea Mhay and Mark Vyncent (kambal) at ang bunso na si Marcene Bernice.
Inusisa rin ng press si Marianne kung ano ang advice sa kanya ng parents niya ngayong 18 na siya? “Ang advice po ng parents ko ay maging happy daw po ako sa mga ginagawa ko and matupad ko po iyong mga pangarap ko, in my own way.”
Ito naman ang message ng dalaga sa kanyang family, friends and fans.
“Thank you po sa family ko for being so ever supportive and to my friends and followers, thank you for supporting me and now na eighteen na po ako, I hope that you will continue to support me in my journey in life,” nakangiting wika pa ni Marianne.