Advertisers
Ni Beth Gelena
Taus pusong nagbigay nang pagpupugay si Marvin Agustin para sa kaarawan ng kanyang kalabtim na si Jolina Magdangal.
Isang heartfelt birthday tribute ang pinablish ng aktor sa kanyang social media kung saan nagbahagi siya ng throwback photo ng kanilang iconic love team. Masayang inalala ni Marvin ang kanilang mga simula sa “no-filter, no-edit, no-ring light era” at pinuri si Jolina sa palaging masayahin nito.
Hinangaan din niya ang hindi pagbabago ni Jolens kahit marami ng pagbabago sa industriya.
Tinapos ni Marvin ang kanyang post sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang walang patid na suporta, na tinawag si Jolina na kanyang “forever labtim.”
Ani Marvin, “Happy birthday, Labtim,” panimula ni Marvin sa kanyang post.
Reflecting on their early years in show business, Marvin wrote, “Tayo ‘to — from no-filter, no-edit, no-ring light era. Kung meron mang aesthetic noon, ‘basta masaya’ yun tawag dun. At ikaw ang may dala nun lagi.”
Aniya pa, “Ang dami nang nagbago sa mundo, sa industriya, sa buhay… Pero ikaw… Same heart. Same laugh. Same light.”
Ipinahayag din ng aktor ang hindi malilimutang epekto ni Jolina hindi lamang sa kanya kundi sa isang buong henerasyon ng mga tagahanga na lumaki na nanonood ng kanilang tandem.
“Hindi ko makakalimutan kung paano mo napasaya hindi lang ako… kundi ang buong generation natin at ang mga bago pa,” wika ng aktor.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinahayag ni Marvin ang kanyang patuloy na paghanga at suporta kay Jolina. “Happy birthday, my forever labtim. Nandito lang ako, always cheering for you.”
Sina Marvin at Jolina ay isa sa most beloved love teams nung late 1990s.
MAGKAPATID NA KIM AT LAKAM NAGKAAYOS NA!
Alls well that ends well sa magkapatid na Kim at Lakam Chiu.
Nagkaayos na ang magkapatid matapos ng ilang buwan na hindi nagbabatian dahil umano sa nagastos ng kapatid ang perang ipinagkatiwala ni Chinita princess sa kanya.
Sa programa nina Cristy Fermin ay napag-usapan nila ang pagbabati ng magkapatid.
“Masaya ako sa kuwentong nakarating sa atin na nagkasundo na si Kim Chiu at si Lakam at ito ‘yung away na pampamilya na hindi nila ipinaglalaban sa publiko,” wika ni Nay Cristy.
“Wala tayong narinig mula kay Kim Chiu na pintas kay Lakam at si Lakam ay hindi rin nagsalita laban kay Kim. Ganito dapat ang pamilya, di ba?” dugtong pa ni ‘Nay Cristy.
“Oo, dapat sila ang nag-aayos hindi ibang tao ang mag-aayos kundi sila-sila at dapat tahimik nilang inaayos,” sabi naman ni Romel Chika.
Kaya nga nakakatuwa ikinukumpara sila sa iba ngayon na mga artista na ang mga dirty linen na ipinakikita sa publiko.
Tuloy ang pag-aaway ng magkapatid ay ikinumpara sa mga magkakapatid na ang kanilang away at ipinopost pa sa social media.
Set nga ni Wendell Alvarez, “hindi sila mahilig mag-post. Hindi katulad ng ibang artista na kapag kaaway ‘yung kapatid ay magpo-post kaagad. ”
Hindi man nila binanggit kung sino ang magkakapatid na nag-aaway-away ay alam naman ng lahat na ang Barretto sisters ang pinatutungkulan dahil kamakailan lang ay viral ang panayam ni Mrs Inday Barretto kay Ogie Diaz.
Naikuwento kasi nitong hindi magkakasundo ang kanyang mga anak kaya naman sinagot ito ni Marjorie Barretto at ipinaliwanag kung bakit hindi sila okay.
Going back to Kim and Lakam, ayon sa fans ng aktres, masaya sila dahil at least bago daw dumating ang Pasko ay nagkaayos na ang magkapatid.
JENNYLYN AT CARLA DISMAYADO SA PAUTANG NG SSS NA P20K
Nadismaya ang dalawang aktres na sina Jennylyn Mercado at Carla Abellana nang malaman nila na ang loan offer ng SSS para sa mga nabiktima ng Bagyong Tino ay nasa halagang P20,000 lamang.
Anila, hindi raw makatao ang pagpapautang ng ahensiya sa mga nawalan na ng lahat, lalo’t may interes pa ito.
Umani ng suporta ang kanilang pahayag at nananawagan ang netizen na unahin ang tulong at malasakit kaysa pautang sa panahon ng sakuna.
Komento ng netizens: “Tama po kong totousin sariling pera natin yn bakt nga ba nagbibigay tau ng interes hayyyyyss.ganun talaga ang sistema natin pera natin tauo pa ang magtutubo kaluka di ba?”
Hirit naman na isa, “Hindi nga maka pag loan sa calamity kung Yung salary loan mo nag error Ang payroll Ng company kahit days lang na delay Ang pag bayad.. Hindi kana kaagad maka avail kahit Pera mo pa”
“Ok npp sana loan kaso ang problema ho eh kpag nalate ng bayad employer dka agad mkkaloan maghhintay kapa ng 3mons para makaloan de pano naun ngaun nga kailngan dhl sa kalamidad pero hndi mkakakuha dhl late ang employer pagkakamali ng employer pero saming employado ang bagsak kami nhhrpan”
“Ang laki2 ng hulog mo kakarampot mautang tas napakalaki ng tubo kht pera mo nmn yan”
“Dpt nga kht may calamity na naiwanan pede parin mag loan pede namn ibawas”
“Reality po sa SSS at hindi kapa maka loan if diactivated ka? Sarili mong pera may interest pa.onli n d pilipens”
“Dapat ipautang nila ng wlang tubo”
“Tama kasi pera mo na ikaw pang igigisa..”
“Yan paingayin nyo pa sige tama yan matauhan na sana lahat pera mo talaga uutangin muna Tutuban kapa ng malaki.”
Ano naman kaya ang reaksyon ng mga taga SSS sa komentong ito ng mga netizen na ang karamihan ay miyembro ng ahensiya.
COCO AT ECHO MAHIGPIT NA NAGYAKAP NANG MAGKITA
Mahigpit na nagyakap ang dalawang aktor na sina Jericho Rosales at Coco Martin.
“Love Joy Hope,” ang caption na nilagay sa caption sa pagkikita ng dalawang actor.
Sa higpit at halos magkadikit ang kanilang mga labi sa yakapan, ay napakomento tuloy ang nakakita, “Shet! akala ko mag ki-kiss pa!”
“Parehong gwapo at hindi mayayabang”
May nagsuggest pa, “Sana mg guest c eco sa batang quiapo yong matino police sya na maging kakampi ni tanggol hehe”
“Sb ni echo isama mo ako s fpj”
“Great actors in abs cbn”
“LOVE,JOY, HOPE Kapamilya Forever”
“kinarga pa si coco hahaha”
“Nice idol both handsome”
Tiyak kapag iginest ni Coco si Echo sa Batang Quiapo marami ang matutuwa.