Advertisers

Advertisers

Tanggapan ni Mayor Along bukas sa mga suhestiyon at magbigay ng solusyon sa mga hinaing ng mga mamamayan

0 9

Advertisers

Nakipag-usap si Caloocan Mayor Along Malapitan sa kanyang mga kababayan at mga kapitan mula sa iba’t- ibang barangay upang bigyan ng solusyon ang kanilang mga suliraning inilalapit sa kanyang tanggapan.

Kasunod nito’y pinangunahan ni Mayor Malapitan ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyales ng Senior Citizens Association mula sa Barangay 30.

Nakipagpulong din si Mayor Along sa mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa upang pag-usapan ang mga programa para sa mga Batang Kankaloo, kabilang na ang Sustainable Livelihood Program (SLP).



Personal din binati at pinasalamatan ni Mayor Malapitan ang mga huwarang sangguniang kabataan, kapitan, at kagawad mula sa iba’t-ibang barangay na nag-uwi ng karangalan sa lungsod ng Caloocan mula sa Excellence Filipino Awards at Philippines Choice Award 2025.

“Mga Batang Kankaloo, bukas ang ating pamahalaang lungsod at ang aking tanggapan para pakinggan ang inyong mga suhestiyon at magbigay ng solusyon sa inyong mga hinaing,” wika ni Mayor Along. (BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">