Advertisers
Ni Beth Gelena
May ibubulgar si Angel Locsin tungkol sa kanyang step son na si Joaquin Arce (anak ng husband niyang prodyuser na si Neil Arce).
Muling nagparamdam ang award-winning actress sa social media para ilahad sa buong mundo kung gaano siya ka-proud sa kanyang stepson na si Joaquin.
Kasalukuyang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz si Joaquin bilang isa sa mga housemates ng second season ng “PBB Celebrity Collab Edition”.
Sa X account ng aktres, nagbahagi si Angel ng mensahe para kay Joaquin na tinuring na rin niyang parang tunay na anak. Ibinahagi niya sa madlang pipol kung gaano siya ka-proud sa binatang anak ni Neil sa dati nitong partner.
Ani Angel, “Hindi ako kadalasang nagkokomento, ngunit ang nakikita kong si Joaquin ay lumaki mula sa isang maliit na bata tungo sa isang taong tumulong, nakikinig, at nagpapanatili ng kapayapaan sa bahay ay nakapagpapalaki sa akin,”.panimila ni Angel.
Kasunod nito binulgar niyang “completely deaf” daw ang kanang tenga ni Joaquin kaya may pagkakataon na parang hindi niya pinapansin ang mga kapwa housemate.
Umaasa siya na sana’y maintindihan at matanggap ng mga kasamahan niya sa Bahay ni Kuya ang sitwasyon nito
“Kung sakaling siya ay magsalita ng medyo malakas o hindi tumugon, mangyaring patawarin siya – ang aming anak ay ganap na bingi sa kanyang kanang tainga,” qika ng aktres.
Narito ang ilang komento ng netizens sa X post ng Kapamilya aktres.
“Salamat sa pagiging supportive step mom sa aming Joaquin, We love you Gel!”
“Si Joaquin Arce pala ang susi sa pagiging active ni Angel sa Social media.”
“Aww huhu feel bad for joaquin because he is completely bingi (right ear) pala huhu then parang di aware yung ibang hms too.”
“You know she loves Joaquin kasi after pumasok ni Wakin sa pbb naging active ulit si Ms. Angel and ngayon ko lang nalaman na may problem pala sa hearing si Wakin sa isang ear… I think people misunderstood Wakin the way he delivers his words but he’s just trying to be a mediator.”
“Huhu diba, im worried na some of them might misinterpret because joaquin often ask them to repeat what they are saying, baka akala nila nagloloko lang siya.”
Nagpasalamat naman ang isang fan na sinusundan ang update ni Joaquin sa PBB second collab edition.
“ww salamat po sa pagbabahagi nito. Napakabuting kaluluwa ni Joaquin, at patuloy naming susuportahan at poprotektahan siya sa lahat ng paraan.”
KYLIE TAUS. PUSONG PINASALAMATAN ANG INA
Pinararangalan ni Kylie Padilla ang kanyang ina at lahat ng ina sa taos-pusong pagpupugay tungkol sa lakas at pagiging hindi makasarili.
Isang nakakaantig na mensahe sa social media ang post ng Kapuso aktres na sumasalamin sa kung paano binago ng pagiging ina ang kanyang buhay. Pinahahalagahan niya ang kanyang ina na si Liezl Sicangco sa pagbibigay inspirasyon sa paglalakbay at paghubog sa kanya sa kung sino siya ngayon bilang isang ina.
Nagpahayag ng matinding pasasalamat ang aktres sa lahat ng mga nanay na nagpapakita ng katatagan at pagmamahal sa kanilang mga anak tulad niya
Taus pusong tinapos ng anak ni Senator Robin Padilla ang kanyang mensahe ng pasasalamat at pagmamahal para sa kanyang ina.
Ani Kylie: “Ang pagiging ina ang nagpabago sa akin magpakailanman, ang sakripisyo, ang walang katapusang pagiging hindi makasarili at tahimik na katatagan ay magpakailanman ang aking pinanghahawakan kapag ang mga bagay ay mahirap i-navigate.”
Ibinahagi pa niya kung paanong ang pagsaksi sa paglalakbay ng kanyang ina ay lubos na nakahubog sa kanyang sarili, na nagsasabing, “Ang pagmamasid sa sarili kong ina na naglalakbay ay nakaimpluwensyahan nang husto sa aking paglalakbay. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.”
Naglaan din si Kylie ng ilang sandali upang parangalan ang lahat ng mga ina na patuloy na nagsusumikap na maging mas mahusay at nagsisilbing tagapagtanggol ng kanilang mga anak, anuman ang mga hamon na kanilang kinakaharap.
“Sa lahat ng ina, na nagsisikap na maging mas mabuting tao, na nagsusumikap na maging tagapagtanggol ng kanilang mga anak — saludo ako sa inyong lakas,” ani ng aktres.
May heartfelt message rin si Kylie sa kanyang ina,
“And to mine. I salute and love you. Thank you for your good, strong and ever selfless heart. Every day I appreciate you more i. Mahal kita.”
MARYA MAY KAKAIBANG KARANASAN KINA DIREK LINO, ISHMAEL AT CHITO
Pagbubunyag ng Diamond Star na si Maricel Soriano, may sobrang takot daw siya sa direktor na si Ishmael Bernal.
Aniya, hindi raw niya sukat akalain na babatuhin siya ng direktor ng script.
SA mga master directors na naka-trabaho ni Marya noong araw ay inamin niyang natakot siya kay Ishmael Bernal dahil mahilig daw mambato ito kapag galit at mabuti na lang nakailag siya.
Sa interview ni Bianca Gonzales-Intal sa “The B Side” show nito na mapapanood sa Cinema One ay tinanong ng host kung ano ang mga karanasang hindi niya malilimutan sa mga direktor na nakatrabaho niya.
Inuna munang banggitin ni Bianca si direk Lino Brocka.
“Naidirek ako ni direk Lino na isang pang Mother’s Day (Mother Dear – 1982) na bitin na bitin ako kasi ilan kami (cast) na umandar (umikot) sa lahat ng ‘yung istorya. So, sabi ko ‘parang kulang.’
Ani pa ng Diamond Star, “Pumupunta siya palagi sa taping namin ng Maricel Drama (Special) kasi close niya si Mama Mel Chionglo (direktor). Kaya everytime na magte-taping kami nagkakaroon kami ng chance na magkuwentuhan ng totoo.
“Sabi niya (direk Lino), ‘Maricel gusto ko talagang gumawa tayo ng pelikula kaya magkagalit pa kami ni Mother (Lily Monteverde) ngayon. Alam mo naman kapag hindi ka okay kay Mother wala tayong pelikula, ganun pa man, eh. Kaya hindi kami nakagawa (ikalawang pelikula).”
Sinunod ni Bianca ay si direk Ishmael Bernal, “Oh my God! Akala ng lahat masungit hindi siya masungit, siya talaga ‘yan. Ganyan lang talaga siya nambabato siya ng silya, nambabato siya ng (anumang gamit na makita), ito (sabay turo sa coffee table) ihahagis niya diyan, ganyan lang. Simple lang siya, ha, ha, ha (natawa rin si Bianca).”
Balik-tanong ng host kung natakot ba si Maricel Soriano nang makita niyang ganu’n ang ugali ni direk Ishmael.
“Hindi! Hindi ako nagpapakita sa kanya na nasa-shock ako, (sabi ko lang), ‘ay bakla dati baka tamaan tayo, doon tayo lumipat.’ Naku, e, bago pa kami dumating do’n (bagong pouwesto) may lumipad na naman do’n, naku bakla baka tamaan tayo dito nakakatawa!
“Pero sa kanya ako may pinakamaraming pelikula noong panahon na ‘yun. ‘Yung Galawgaw (1982) iba ang comedy namin doon. In 15 minutes napaandar ko ‘yung traysikel na hindi ako marunong ha, napaandar ko sa takot ko sa kanya (direk Ishmael).
“Nagalit kasi siya sa akin (kaya may takot na) isang beses dahil late ako. Natsatsa (napagalitan) ako ng bonggang-bongga, nabato ako ng script buti na lang umiwas ako.
“Kasi kuwarenta ang lagnat ko (kaya late) at nasa set ako niya. Sabi ko, ‘direk pasensya ka na, huwag ka ng magalit sa akin ito ang bigay ng duktor na reseta, oh at sulat ng duktor para sa iyo.
Humingi naman daw ng sorry si direk Ishmael, “ay may sakit ka, hawakan nga kita (nagliliyab sa lagnat), oh my God, I’m so sorry. Sabi ko, ‘lakasan mo naman (boses) kasi ‘yung tsa-tsa mo sa akin kanina para malaman naman nila (sabay turo sa mga nakapaligid). Ginaganu’n ko siya ‘yung iba hindi siya kinakausap ng ganu’n, pero ako nakakapag-usap ng ganu’n.”
Ikinuwento rin ni Marya na hindi siya dumaan sa workshop tulad ng ginagawa ng ibang artista.
“Sikat na sikat ang workshop no’n, eh. Hindi ko naintindihan ano ba ang workshop? E, kinuwento kung ano ‘yung ginagawa, e, ayaw ko (kasi) maraming tao kasi,” esplika ng premyadong aktres.
Pero hindi pa rin siya lumusot dahil nang malaman daw ng direktor na hindi pa siya nag workshop ay nag-prisinta na itong siya ang magtuturo kay Marya.
“Ang dami kong natutunan no’n at wala siyang one-on-one, ako lang kaya di ba, napaka-suwerte ko,” sambit ng aktres.
At pag nagustuhan daw ni direk Ishmael ang pag-arte ay kaagad itong nagsasabing, “Cut! Perfect thank you very much.’
Iba naman daw ang style ni Direk Chito S. Rono sa pag si Direk.
Kakausapin daw siya at patatawanin tapos nang nag-umpisa na raw silang magshoot ang sasabihin ni Direk Chito, “hoy bakla iiyak ka dito (eksena) dalian mo na.”
Nagulat siya, “ano? Pagkatapos mo akong patawanin nang patawanin sa kuwentuhan natin, iiyak pala ako? Ni hindi mo mo man lang ako minotivate? Sabi sa akin, “kaya mo ‘to, halika na.’ Ganu’n (siya), salbahe no?” nailing na kuwento ng aktres.
Marami pang kuwento si Marya sa mga direktor na kanyang mga nakatrabaho, pero ibang ibaa raw talaga si Direk Ishmael Bernal