Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa TikTok, ibinahagi ni Maureen Wroblewitz ang isang video kasama ang kanyang dyowa.
Sa video makikita siyang parang naglalaro na nakabitin sa kanyang boyfie.
May mga kinilig naman sa pa-PDA ng dalawa.
Sa comment section naman, nabanggit ng nagmamarisol ang awitin ni JK kasama si Moira dela Torre na “Medyo Ako” at ang tungkol sa lyrics nitong “na medyo iba pero medyo ako.”
May nang-urot pa sa model-actress kung feeling nito ay puwedeng maulit sa kanya ang nangyari sa ex na si JK Labajo.
“Hindi ka ba na de-dejavu beh?”, pang-iintriga ng netizen.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Maureen sa kanyang sagot at idinepensa ang boyfriend.
Aniya:. “No cause my bf is the complete opposite lol.”
Sa tinurang ito ni Maureen, marami naman ang nag-react.
Hirit ng kibitzers, hindi pa raw nakaka-move on ang model-actress sa ex na si JK.
“parang hindi maka move on na ex eh hahahaha ni wala ngang sinasabi si JK sa kanya pabalik. mag parinig gusto, mag heal ayaw”
“Si ate hindi na ata nakaheal. Sya na nga tong nang iwan, sya pa din panay shade til now”
“Nang iwan nga raw sa ere eh. Hahahaha what’s the girl’s deal? Alam ko introvert si accla eh.”
“Siya ang nakipaghiwalay siya pa ang may kuda.”
“still bitter? kasi di niya masira sira si JK ?? malapit na movie nila JK kaya nagpapansin nanaman siya”
“Nainis na ata si Maureen sa comsec niya puro kasi about kay JK”
“I think she’s annoyed na sa ulit2 na pag mention kay JK”
“Bakit parang may pagka bitter siya Diba siya nakipaghiwalay”
“bat kasi kamukha ni jk beh ”
“Akala ko ba in good terms silang naghiwalay? Ano issie ni gurl? Nanahimik naman si JK”
***
Dayalogo sa pagitan ng MTRCB, VIVA at ni Dreamboi Director Rodina Singh, naging produktibo
PRODUKTIBO ang miting na ginanap noong Nob. 12 sa pagitan nina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto at Viva Communications, Inc. president Vincent Del Rosario III.
Kasama rin si Rodina Singh, ang direktor ng “Dreamboi,” sa dayalog na ginanap sa MTRCB Nida Blanca Conference Room sa Quezon City.
Bakas ang malayang komunikasyon at pakikipagtulungan ng magkabilang panig para sa mahigpit na kolaborasyon sa ikauunlad ng industriyang pelikula sa bansa.
Kasama ni Sotto sa dayalog sina Board Members Eloisa Matias at Atty. Pedro Cesar Gabriel Solidum, at Legal Affairs Division Chief Anna Farinah Mindalano.
Ibinahagi muli ni Sotto ang mandato ng MTRCB alinsunod sa Presidential Decree No. 1986 at Implementing Rules and Regulations.
Pinag-usapan din ang mga paraan upang higit pang palakasin ang adbokasiya sa “Responsableng Panonood” na isinusulong ng MTRCB kaagapay ng pagtataguyod ng kultura ng responsableng paglikha ng pelikula.
“Our discussion with Viva Communications, Inc. regarding the film ‘Dreamboi’ was very productive,” sabi ni Sotto. “The engagement fostered constructive outcomes and strengthened our mutual understanding as we move forward together.”
Ipinahayag ni Del Rosario ang komitment ng Viva na makipagtulungan sa MTRCB, laluna sa pamamagitan ng “Responsableng Paggabay” seminar, na naggagabay sa mga prodyuser, direktor, network at iba pang stakeholder hinggil sa mga polisiya at angkop na klasipikasyon para sa pelikula at telebisyon.
Nagpasalamat naman si Singh sa bukas na pakikitungo ng MTRCB at sa pakikinig sa perspektibo ng mga filmmaker sa bansa.
Hinimok din ni Singh ang kanyang mga kapwa prodyuser at direktor na bumuo ng mga pelikulang napapanahon at alamin ang klase ng manonood ng kanilang likha.
“Ang masasabi ko sa mga kapwa ko manlilikha, siguro panahon na para gumawa ng mas napapanahong materyal. Ngunit kasabay nito, kailangan din nating malaman kung anong klaseng audience ang nais nating maabot. Sa pakikipagtulungan natin, umaasa tayo na kasama at katuwang natin ang MTRCB sa paglikha ng mga kwentong makabuluhan at napapanahon,” sabi ni Singh.
Muling idiniin ni Sotto ang dedikasyon ng Ahensya na makipagtulungan sa industriya habang pinapanatili ang mandato nito.
“The Board is committed to guiding viewers and supporting a responsible, thriving film and TV industry. Together with our partners, we will build a responsible and globally competitive industry,” sabi ni Sotto.