Advertisers

Advertisers

Gardo pinagdudahan sa pagiging epektibong bading

0 19

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Minamani na lamang ni Gardo Versoza ang pagganap sa gay roles.

Katunayan, marami rin siyang followers sa Tiktok kung saan pinag-uusapan ang kanyang dance moves na kering rumampa in size 12 stilettos at pekpek shorts.

Ayon sa magaling na aktor,hindi naman maiaalis na dahil sa kanyang pagpro-project ng bading ay napagdududahan ang kanyang pagkalalake.

Minsan daw kasi ay nadadala rin niya ang role sa bahay kaya pati misis niya ay nagduda sa kanya.

“Nagduda nung nawili ako sa mga high heels saka sa mga shorts. Nadibdiban na niya ako minsan.

“Kasi, parang may nadala yata akong karakter. Naiuwi ko sa bahay. So, pababa kami ng hagdan, tapos, dumulas ako, ‘Ahhhh!!!’

“Gumanun ako. Nadibdiban ako bigla. Sabi ko, nadala ko lang. ‘Hindi naman ano.’ Sabi niya, ‘Ayusin mo iyan bago pa tayo maghiwalay, ha?!’ Ha! Ha! Ha!

“Sabi ko kasi, may mga times na kahit naman sa kontrabida, e, di ba? Minsan, hindi mo pa mapapagpag, naiuuwi mo pa — mainitin ang ulo mo, “aniya.

Kakaibang papel naman ang role niya sa comedy film na Jackstone 5.

Isa siyang pamintang former action star.

Sa tunay na buhay, may mga narinig na raw siyang mga klosetang naging action star.

Gayunpaman, para kay Gardo, hindi na raw big deal sa kasalukuyan ang gender ng isang tao pagdating sa kanyang trabaho.

Strong ally din daw siya ng LGBTQA community.

Maliban kay Gardo, mga bida rin sa Jackstone 5 sina Eric Quizon, Arnell Ignacio, Jim Pebanco at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.

Nasa cast din ng pelikula sina Abed Green, Marcus Madrigal, Elora Españo, Rico Barrera, Prince Clemente, Angela Cortez, at Jhon Mark Marcia.

Palabas na ang komedyang may puso sa mga piling sinehan simula sa Disyembre 3.

Ito ay iprinudyus ng Apex Productions with Dennis Evangelista as line producer.