Advertisers
Ni Beth Gelena
Ang ganda ng teaser ng I’m Perfect na gawa ng Nathan Studios.
Ito ang kanilang pang Metro Manila Film Festival entry.
Simple ang kuwento, pe napakalalim dahil ang mga bida rito ay ang mga taong may down syndrome.
Hindi mo aakalain na ang mga ganitong may uri ng karamdaman ay marunong magmahal ng tapat.
Ang cute ng kuwento ng lead actor at lead actress na sina Jiru at Chesca.
Ang ganda ng mga komento ng netizens sa teasers pa lang na kanilang napanood.
“At least Jiro was brave enough to say what he felt. kisa sa isa diyan”
“Finally oh! Representation for people with Down syndrome to prove na kaya rin naman talaga nila”
“Sino nakaisip nito!!!!!! Need to ng award ang ganda!!!!” Pang Best Picture siya para sa akin,” ani ng isang commenter.
“When the world says they cant. They’ll prove they can”
“Powerful”
“Ang galing ng director at writer nitong movie na to. Ang ginawang cast ay ang ating mga ausome kids”
“The audacity of me laughing at first and then got depressed because of the fact that I can’t do the same thing as him and that I don’t have the courage that he has, if I’m being honest, I never really felt being with someone since takot Ako na masaktan ulit and now I think I have a little courage that pushes me to meet someone that might become my whole lovelife”
“Awww, I see my own child on the spectrum in this movie, not necessarily one of the characters but the beautiful life journey of these beautiful souls. Can’t wait to watch this movie! I’m sure I will need a box of Kleenex beside me. Krystel is my daughter’s friend on Facebook. They communicate once in a while. Guess what, my daughter’s name is also Krystel ( main character in the movie) . Kaya Ang gaan ng loob Nila sa isa’t isa.”
“Mag hahakot award to unless walang daya…”
“Downside up inspiration?”
“I laughed at first, but deep down I felt sad because I don’t have his courage. I’ve avoided love out of fear of getting hurt, but now I’m finally starting to find the courage to try again.”
“Extra special valiant souls imperfect for this time but in the end they are genuinely perfect souls not on this life but in the next eternity to come”
“Such a powerful message of love through inclusivity. Love is universal, love is love, and it belongs to everyone.”
“One of the contemporary movies of the time. It opens the door to learning how these unique individuals also love, explore, struggle and to sacrifice. We also appreciate their meaningful love story of their lives.”
“Can’t wait to show this to my nephew who also have a downsyndrome this is so cute”
“One of the contemporary movies of the time. It opens the door to learning how these unique individuals also love, explore, struggle and to sacrifice. We also appreciate their meaningful love story of their lives.”
“This itself shows how powerful one can be. Napaka-refreshing ng take.”
“Ang ganda.. they have the most purest and innocence feelings.. unlike those person they say Able..”
Ngayon pa lang umaasa kami na talagang hahakot ng award ang pelikulang ito na I’m Perfect.
Kudos sa Nathan Studios napahanga kami dahil hindi mo aakalaing makakaarte ang mga may Down Syndrome.
Bravo clap clap Nathan Studios.
ENCHONG DEE LALAKING BASHER NI XYRIEL
May post si Xyriel Manabat sa kanyang Instagram Stories kung saan sinagot niya ang body-shaming na umaalipusta ng kanyang pangangatawan.
Sa video post ng aktres ay isinusulong niya ang tiwala sa sarili at disiplina.
Nag-post siya ng video na nagpapamalas ng kanyang toned physique at iminungkahi na maaari niyang ibahagi ang higit pa tungkol sa kanyang wellness routine.
Ang aktres ay nagpahayag din ng pagkabigo sa mga negatibong komento ng mga kapwa babae at mga taon ng pagsisiyasat mula sa publiko Ang kanyang post ay nagdulot ng mga pag-uusap tungkol sa pagiging positibo sa katawan, pagpapalakas, at paggalang sa isa’t isa.
Aniya sa caption, “Bark all u want this is my healthiest and most disciplined version of myself.”
“fitness journey vlog???”
Sa kabila ng kanyang pagsisikap na magbigay ng inspirasyon, nagpahayag ng pagkadismaya si Xyriel sa mga batikos na nagmumula sa kapwa babae.
P. S. “Nakakalungkot kapwa babae mo talaga sisira ng confidence mo no? I have been using my voice to empower women but some women… some women…. are… sad,” wika ng aktres.
“Grabe I am dealing with bodyshamers and people who objectify women for more than a decade na… wow people can be so cruel talaga no?”
Marami ang pumuri sa katapangan ng aktres at isa na rito ang komedyanteng aktres na si Pokwang.
“Hayaan mo sila nak. Kasi isa lang dahilan yan aminin man o hindi INGGIT!!! INGGIT at INGGIT hahahaha stay happy and healthy nak”
Sinagot ni Xyriel ang komedyanteng aktres: “labyu po mama poki korekkk pag inggit iclose po ang eyes hahaha love you po miss u’
“Hahaha iclose forever charrr naku hayaan nga sila wag sila diyan mamatay sila sa inggit ganern,” muling sagot ni Pokwang”
Isang netizen naman ang nagtanong, “ano po gamit mong pampapayat? ”
Maging si Iza Calzado ay nagbigay ng komento: “you look amazing and you are amazing no matter what size and season of life you are in. You are loved”
“I LOVE YOU SO MUCH ATE LIZA”
Alexa Ilacad: “you look great. You always have & always will”
Xyriel: “mahal na mahal kita ate.. Salamat”
Fire emojis naman ang kinomento ni Bela Padilla.
“@bela THE HOTTEST,” reply ni Xyriel.
Kira Baringer: “you’re perfect just as you are my love”
Si Enchong Dee na kaibigan ng aktres na sadyang mapagbiro, ang komento ay, “paano kung lalake yung basher mo?”
Sagot ng young actress: “ikaw lang naman lalake kong basher”
Binigyang-diin ni Xyriel na ang tunay na empowerment ay nagsisimula sa kabaitan at lakas ng loob na manindigan sa kabila ng mga batikos.
Unang nakilala si Xyriel Manabat sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa “Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol” noong taong 2009 kung saan siya ay ginawaran ng 3rd placer.
Maraming papuri ang natanggap ng aktres nung child star pa siya.
EMAN PACQUIAO EMOSYONAL NANG IPAGAMIT NA NI PACMAN ANG APELYIDO NITONG PACQUIAO
Emosyonal na naikuwento ni Eman Pacquiao nang ipagamit na sa kanya ng amang si Manny Pacman Pacquiao ang apelyido nito.
Naikwento ni Eman Bacosa Pacquiao sa Kapuso Mo Jessica Soho kung paano siya kinilala ng amang si Manny.
Inilahad niya ang pangyayari nitong tatlong taon lamang ang lumipas.
Kamakailan, naging usap-usapan si Eman na sumusunod din sa yapak ng ama bilang isang boksingero.
Sa programang KMJS kamakailan ay ibinahagi niya ang masalimuot niyang kabataan at kung paano, matapos ang mahabang panahon, ay tuluyang inako ng amang si Manny Pacquiao bilang kanyang anak.
Naging usap-usapan si Eman matapos niyang manalo laban kay Nico Salado sa event na Thrilla in Manila 2 noong Oktubre 29—isang okasyong inorganisa ng MP Promotions ni Pacquiao upang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng orihinal na laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier.
Nakuha ni Eman sa pamamagitan ang unanimous decision ang kanyang pagkapanalo.
Kwento ni Eman sa KMJS, siyam na taong gulang siya nang subukan nilang puntahan ang kanyang ina sa bahay ni Manny sa mismong kaarawan nito. Ngunit hanggang labas lamang sila ng gate, naghihintay nang ilang oras. “Siguro hindi rin alam ng daddy ko na nandoon kami,” ani Eman.
Kaakibat ng kanyang pagkakakilanlan bilang anak ng “The People’s champ” na si Manny, madalas umano siyang hamunin at bugbugin ng mga kaklase gayung tanyag na boksingero ang ama.
“Maaga po akong nag-mature dahil sa mga nangyari sa buhay ko,” sabi ni Eman.
“Naintindihan ko na meron siyang sariling pamilya kaya hindi na po ako nagtatanong kung bakit.”
Matapos ang isang dekadang pagkakalayo, muling nagkita sina Manny at Eman noong 2022. “Niyakap ko rin siya. Pinipigilan ko po ang luha ko. Sobrang saya ko na nakita ko siya noon na emosyonal,” pagbabalik-tanaw ni Eman.
Kasabay ng kanilang muling pagkikita, pinirmahan ni Manny ang isang legal na dokumento na pormal na kinilala si Eman bilang kanyang anak.
Binigyan pa siya ng ama ng pahintulot na gamitin ang apelyidong Pacquiao.
“Sabi niya, ‘Anak, gagawin na kitang Pacquiao para mabilis ang pag-angat mo sa boxing.’”
Bagama’t sa una ay nag-alinlangan si Manny na pasukin ng anak ang boksing, pero sinuportahan pa rin niya ito.
“Sabi ko sa kanya, ‘Dad, passion ko po ang boxing.’ Kaya binigyan niya ako ng mga tips at minsan, nag-training din kami nang sabay,” kuwento pa ni Eman. Matapos ang kanyang panalo sa Thrilla in Manila 2, muling nagkasama sa isang litrato sina Eman, Manny, at Jinkee Pacquiao—patunay na maayos ang kanilang relasyon. “Maaayos naman po kami ni Tita. Paminsan-minsan, nag-uusap kami,” aniya.
Nakilala rin ni Eman ang kanyang lola na si Dionisia “Mommy D” Pacquiao, na agad namang napansin ang pagkakahawig nilang mag-ama.
“Sabi niya, ‘Hala, kamukha mo talaga, Man,’” ani Eman, na kasalukuyang naninirahan sa Antipas, North Cotabato kasama ang kanyang ina, stepfather, at mga kapatid.
Sa ngayon, ay hindi alam ni Eman ang apelyido ng kanyang ama, kundi pati ang inspirasyong magpursige sa larangan ng boksing—hindi upang patunayan ang sarili sa mundo, kundi patuloy na maging karapat-dapat sa pangalang Pacquiao.