Advertisers

Advertisers

Usec Renato Paraiso ‘hindi epektibo’…BALASAHAN SA CICC SAGOT SA PROBLEMA SA CYBERCRIME!

0 17

Advertisers

UMAASA ang mga ‘stakeholder’ sa ‘telecom sector’ na mabibigyang-pansin na ng Malakanyang ang lumulubhang problema ng bansa sa ‘cyberattacks’ at ‘cybercrimes’ sa likod ng malawakang balasahan sa loob ng administrasyong Marcos.

Sa ulat ng ‘Viettel Cyber Security Asia’ tumaas pa ng 49 porsiyento ang insidente ng cyberattacks sa nakaraang tatlong buwan kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.

Taon 2024 din nang atakihin ng ‘hackers’ ang website ng Department of Science and Technology (DOST). Batay sa mga ulat, umabot sa 2 Terabytes ng mga datos ang nakompromiso kungsaan walang naiulat sa pagkakilanlan o pagkaaresto ng mga suspek.



Sa ulat naman ng ‘Palo Alto Networks’, sinabing higit 70 porsiyento ng websites ng mga kumpanya sa bansa ay nabiktima rin ng cyberattacks noong 2023 kungsaan 23 porsiyento sa mga ito ay napilitang itigil ang kanilang mga negosyo.

Sa survey parin ng Palto Alto, 59 porsiyento ng mga tinanong ay nagsabing kailangan nilang gumastos ng malaki – sa panahong matumal ang negosyo at bagsak ang ekonomiya – para sa mga sistema at programa laban sa cybercrimes upang maingatan ang kanilang websites at seguridad ng kanilang mga datos.



Noong Nobyembre 5, nagyabang pa sa ‘social media’ ang grupong ‘HappyGoLuckyPH’ nang pansamantala nilang isara ang higit 60 websites ng Philippine National Police (PNP).

Ang pag-atake ang tugon ng grupo sa ‘Oplan Cyber Dome’ (OCD) ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang labanan ang mga cyberattacks.



Ayon kay CICC Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, ang OCD ay isa sa mga programa ng DICT para labanan ang hackers, subalit napatunayang walang saysay nang umatake ang mga ito.

Si Paraiso ay dating ‘volunteer layer’ sa campaign headquarters ni BBM noong kampanya at nabigyan ng puwesto sa Legal Department ng DICT dahil sa pagiging “malapit” kay First Lady Liza Marcos at Mel Robles, ang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at kilalang malapit na kaibigan ng ‘First Family’.

Ayon sa tech sector sources, ‘political connection’ lang ang dahilan kaya na-promote pa si Paraiso bilang hepe ng CICC nang sibakin ng Palasyo noong Marso si DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy.

Anila, dapat pang palawakin ni PBBM ang ginagawang ‘reset’ sa gobyerno, at isama ang mga kritikal na ahensiya katulad ng CICC.

Bukod kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Secretary Romeo Lumagui na sinibak noong Nobyembre 12, pinalitan narin ngayong linggo sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Aminah Pangandaman at Political Affairs Undersecretary Adrian Bersamin.

Ang balasahan ay “simula” na umano ng planong “reset” ni PBBM bilang tugon sa mga malalaking kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang administrasyon at upang mailapit pa ang gobyerno sa publiko.

Anang mga stakeholder, makatutulong sa Pangulo na maglagay ng mga opisyal sa CICC na alam ang kanilang mga dapat gawin at may praktikal na plano para matugunan ang lumalaking panganib ng cybercrimes.