Advertisers
NAGSAMPA ang Ombudsman nitong Martes sa Sandiganbayan ng corruption and malversation of public funds charges laban kay dating Ako-Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4B, at Sunwest Corporation directors.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa mga mamamahayag na ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Ang pagsasampa ng mga kaso, na natanggap ng Sandiganbayan Judicial and Records Division bandang 1:50 ng hapon, ay minarkahan ang unang pagsasampa ng criminal raps laban sa mga diumano’y sangkot sa flood control kickback scheme na unang binandera ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Hulyo.
Sinabi ng mga tagausig ng gobyerno na ang P289 milyon na hindi umiiral na flood control project na itinayo ng Sunwest Corporation, isang kumpanyang pag-aari ng mga kapamilya ng Co, ay substandard.
Sinabi ng ICI na ipinatupad ng DPWH Region IV-B ang flood management project sa pamamagitan ng contractor na Sunwest Inc., na may historical links sa Co.
Sinabi ng ICI na batay sa mga dokumento at inspeksyon ng DPWH, tinatayang P63 milyon ang nawalan ng gobyerno sa proyekto dahil sa mga materyales na substandard at hindi naaayon sa mga kinakailangang detalye.
Nangyari rin ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Co apat na araw matapos iparatang sa isang video na nai-post sa Facebook na inutusan siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsingit ng P100 bilyon sa bicameral conference committee noong huling bahagi ng 2024. (Vanz Fernandez)