Advertisers
PINUTULAN ng dila ang isang 82-anyos na lalaki habang natutulog sa kanilang tahanan sa Zamboanga Del Sur.
Ayon sa ulat, natutulog ang matanda nang pasukin ng 20-anyos na salarin ang bahay nito at sinakal at pinutulan ng dila.
Napigilan naman ng anak ng biktima ang pag-aatake ng salarin nang marinig niya ang malakas na ingay sa bahagi ng higaan ng kaniyang ama. Nakita ang duguang ama at katabi ang salarin na hawak ang kutsilyong ginamit sa krimen.
Sinubukang makipambuno ng anak ng biktima sa salarin hanggang sa makahanap sila ng tulong.
Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang biktima, habang nasa kustodiya na ng mga awtridad ang salarin. Hinala ng mga awtoridad, may problema sa pag-iisip ang salarin.
Sinusubukan na ng pamilya ng salarin na makipagnegosasyon sa mga kaanak ng biktima, nangakong sasagutin ang gastusin ng matanda sa ospital.