Advertisers
NAG-ALOK ang awtoridad ng kabuuang P2 milyon para sa impormasyon na ikaaaresto ng mga responsable sa pagpatay kay Barangay Tres de Mayo chairman Oscar “Dodong” Bucol, Jr. sa Digos City.
Ayon kay Police Captain Sheila May Pansoy, P1 mil-yon reward ay mula kay Vice President Sara Duterte, habang naglaan si Governor Yvonne Cagas ng P500,000 para sa impormasyon ukol sa gunman at P500,000 pa para sa mastermind.
“P1 million, VP Sara. P500,000 from governor for gunman. P500,000 from governor for mastermind,” ani Pansoy.
Napatay si Bucol 9:00 ng gabi ng Nob. 25 sa loob ng kanyang garahe habang nagla-live sa Facebook.
Nakuhanan sa livestream ang bahagi ng insidente.
Ayon sa pulisya, nakilala na ang mga posibleng ‘persons of interest’ base sa mga nabanggit ng biktima sa kanyang mga nakaraang post sa social media.(Boy Celario)