Advertisers

Advertisers

PNP sa Nov. 30 protesters: Balaclava, face covers bawal

0 12

Advertisers

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa mga magpo-protesta sa Nob-yembre 30 sa Luneta Park laban sa pagsusuot ng balaclava o iba pang face coverings na ipinagbawal sa ilalim ng Manila Ordinance No. 9134.



Ayon kay PNP spokesperson Brig. General Randulf Tuaño, maaaring tanggihan ang mga susunod na aplika-syon para sa rally permit kung lalabag sa ordinansa.

“Kapag ito po ay nakita nila na may paglabag sa MOU, na halimbawa, yung sa balaclava o pagtatakip ng mukha, ito ay magiging reason para sa mga future applications po nila para po hindi na ma-aprubahan yung mga grupo na lalabag po dito,” ani Tuaño.



Ipinagbabawal ng ordinansa ang balaclava, face masks (maliban sa pangkalusugan), hoodies na nakatakip ang mukha, at anumang headgear na nagtatago ng pagkaka-kilanlan sa loob ng commercial at government buildings, pati narin sa motorsiklo.

Ang parusa ay P1,000 sa unang paglabag, P5,000 at 15 araw pagkakakulong sa ika-lawa, at posibleng pagkakansela ng lisensya sa ikatlo at susunod pang paglabag.(Boy Celario)