Advertisers

Advertisers

‘BGC boys’ kinasuhan ng tax evasion ng BIR

0 14

Advertisers

NAGHAIN na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong ‘tax evasion’ laban sa dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highway Bulacan First Engineering District, na kilala bilang “BGC Boys”, kabilang sina Engrs. Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.



Lumabas sa lifestyle check na hindi tumutugma sa kanilang deklaradong kita at ari-arian.

Hindi dineklara ni Alcantara ang mga real property, habang hindi rin isinama ni Hernandez ang mga luxury car, kabilang ang Lamborghini Urus na kabilang ng P30 milyon at GMC Yukon Denali na nagkakahalaga ng P12 milyon.

“Yung asset na nadeklara ibabangga natin doon sa buwis or income na idineklara. At kung tumutugma ba yung buwis na ibinayad or income na dineclare nila ay tumutugma sa capacity nila na mag-acquire ng assets na ‘yon,” ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza.

Mula 2019 hanggang 2024, tumaas ang net worth ni Alcantara mula P6.4 milyon hanggang P17.7 milyon, tumaas ng higit 250% bago bumaba sa P8.7 milyon si Hernandez, at umakyat mula P10 milyon hanggang P33.6 milyon si Mendoza.

Inamin ng tatlo ang pagtanggap ng kickbacks mula sa flood control projects sa Bulacan na tinatayang nasa bilyon ang halaga.

Ayon sa mga eksperto, hindi tumutugma sa kanilang marangyang lifestyle ang SALNs, na nagdudulot ng karagdagang pangamba sa hindi naideklarang ari-arian at luxury vehicles.