Advertisers

Advertisers

Teachers nagsagawa ng nationwide sit-down strike

0 12

Advertisers

INANUNSYO ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagsisimula ng nationwide sit-down strike nitong Nobyembre 28, kungsaan ang mga guro sa pampublikong paaralan sa buong Pilipinas ay nagsagawa ng buong araw na alternatibong klase sa kanilang mga silid-aralan bilang protesta sa lumalalang krisis sa edukasyon.



Nananatili ang mga guro sa paaralan nguni’t sinuspinde ang regular na pagtuturo, at sa halip isinagawa ang mga sesyon na tumatalakay sa burukratikong kakulangan, sistemikong korapsyon, kakulangan ng silid-aralan at tauhan, at maling paggamit ng pondo ng bayan sa anomalous infrastructure projects.

“This strike is a collective act of truth-telling. Teachers are turning their classrooms into spaces of critical learning, exposing how corruption and government neglect have pushed our schools and communities into deeper crisis,” ani ACT Chairperson Ruby Bernardo.

Binigyang-diin ng grupo na ang kilos-protesta na mapayapa, organisado, at alinsunod sa karapatan ng mga guro sa konstitusyon.(Boy Celario)