Advertisers

Advertisers

Kelot nagpatiwakal sa water station

0 18

Advertisers

Nakilala na ang naiulat na nagpatiwakal sa Malabon City nang makatanggap ang Malabon City Police Station ng tawag sa umano’y insidente ng pagpapakamatay na naganap sa Terrence Water Station sa No. 183 MH Del Pilar St. sa Brgy. Santulan ng lungsod.



Kinilala ni Malabon Police Chief PCol Allan Umipig ang nasawi na si Mario Cadilo y Barcial, 24-anyos, tubong Borongan Samar, delivery boy at stay-in worker sa naturang water station.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PMsgt Jeric Tindugan, ang nangyari insidente, inir-eport ni Aaron Laya, kaibigan at kasamahan ng biktima sa trabaho.

Sa paunang imbestigasyon, 9:00 ng umaga nang buksan ni Aaron ang tubigan, at nagulat ito ng makitang nakabigti ang kanyang kaibigan at agad nyia itong ini-report sa barangay,

Sa pagresponde ng Patrol Base 3 sa lugar, nakita nila ang biktima na nakabitin sa isang metal roof beam, gamit ang lubid na nylon na nakatali sa leeg nito.

Kaagad na-secure ang lugar ni PMAJ Sonny Boy Tepace upang iproseso ang crime scene.

Nanawagan naman si PCol Umipig sa pamilya ng yumao na makipag-ugnayan sa Malabon City Police Station habang patuloy pa din ang kanilang imbestigasyon at hinihintay ang resulta ng autopsy report upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.( Beth Samson)