Advertisers

Advertisers

P80M-HALAGA NG DROGA, NASASMAM AT ISANG LIBO WANTED ARESTADO NG RIZAL PNP-COL. GONZAGO!

0 30

Advertisers

Nakumpiska ng Rizal PNP sa loob ng 5 buwan ang halagang P80-milyon ng shabu sa pinaigting na kampanya kontra droga at higit isang libong wanted ang naaresto sa lalawigan ng Rizal.

KASABAY sa pagpapailaw ng YES Christmas Tree ng Rizal Police Provincial Office, iprinesinta ni PD P/COL. Feloteo Gonzalgo kay Rizal Governor Nina Ynares ang accomplishment ng Rizal PNP.

Ito’y batay anya sa direktiba ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr., na paigtingin ang peace and order lalo ngayong kapaskuhan.

Kabilang din sa nakumpiska ng Rizal PNP ang iba’t -ibang armas, kabilang ang mga loose firearms at mga nasamsam sa operasyon kontra illegal na droga.

Tinitiyak din ni Gonzalgo, ang mabilis na koordinasyon at komunikasyon at responde gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Habang magpahayag naman ng kagalakan ang Gobernadora sa naging accomplishments ng Rizal PNP.
Nagpapakita umano ito ng katapangan ng mga Rizalenyo, katapangan na harapin ang mga pagsubok at hamon sa buhay.

Pinuri din nito ang paglahok sa Yes Program ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal. (Edwin Moreno)