Advertisers

Advertisers

Ama, 6-anyos anak patay sa ambush sa Batangas

0 31

Advertisers

NASAWI ang isang ama at 6-taon gulang nitong anak nang tambangan sa Barangay Butucan, Nasugbu Batangas, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas “Tomas” nasa hustong gulang; at anak na si alyas “Ellaine”, 6; habang patuloy na ginagamot ang isa pang anak nito na si alyas “Jhon”, 17, na dinala sa Jabez Hospital sanhi ng mga tinamong sugat sa kanilang mga katawan.



Ayon sa inisyal na ulat ng Nasugbu Batangas Municipal Police Station, lulan ng isang tricycle ang ama at 3 nitong anak nang ratratin sila.

Ang isa sa dalawang nakaligtas na anak ay nagtamo ng mga sugat. Ito ay mga edad 7 at 17 taon.

Ayon sa awtoridad, ginamit sa pananambang ang isang kalibre .45 baril armalite rifle.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Nasugbu PNP sa krimen.(Koi Laura)