Advertisers

Advertisers

8 opisyal ng DPWH-Davao susuko narin sa NBI

0 20

Advertisers

HANDA na umanong sumuko sa mga awtoridad ang walong kawani ng DPWH sa Davao Occidental na sinasabing dawit sa flood control anomalies.

Ito, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay batay sa ipinadala nilang surrender feeler sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa Pangulo, nagpahayag ang mga ito ng kanilang kahandaan na boluntaryong sumuko.



Sabi ni PBBM, magpapatuloy ang malawakang imbestigasyon at ang pagpapanagot sa lahat ng indibidwal na sangkot sa pag-abuso sa pondo ng bayan.

Samantala, tiniyak din ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masigurong maibabalik ang pera ng bayan at maputol ang anumang anyo ng katiwalian. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">