Advertisers

Advertisers

ASSETS NINA REPS. ERIC AT EDVIC YAP FROZEN

0 12

Advertisers

Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglabas ang Court of Appeals ng malawakang freeze order laban sa mga assets nina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Rep. Edvic Yap.



Sa kanyang pinakabagong vlog, inilahad ni PBBM na saklaw ng freeze order hindi lamang ang personal na mga bank accounts at ari-arian ng magkapatid, kundi pati na rin ang mga pagmamay-ari ng Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation, kabilang ang bank accounts at mga sasakyang panghimpapawid.

Sabi ng Pangulo, umabot sa mahigit ?16 bilyon ang pumasok na mga transaksiyon ng Silverwolves mula 2022 hanggang 2025, karamihan ay kaugnay ng mga proyekto sa flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH).



Sa kabuuan, binanggit ng Pangulo na 280 bank accounts, 22 insurance policies, tatlong securities accounts, at walong aircraft (mga eroplano at helicopter na konektado sa Sky Yard Aviation) ang na-freeze sa ilalim ng kautusan ng CA.

Samantala, iginiit ng Pangulo na mahalaga ang freeze order upang hindi mailipat o maibenta ang mga ari-ariang sakop ng imbestigasyon at upang matiyak na maibabalik sa taumbayan ang bawat pisong posibleng nakuha dahil sa katiwalian. (Gilbert Perdez)