Advertisers

Advertisers

Isha at Andrea idolo sina Sarah at Lani

0 26

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Wala na talagang pipigil sa pagsikat sa dalawa sa most promising stars ng kanilang henerasyon.

Pagkatapos na mag-front act sa iba’t-ibang shows ng mga kilalang OPM icons tulad nina Marco Sison, Rey Valera, Nonoy Zuniga at iba pa, it’s time for new gen stars na sina Isha Ponti at Andrea Gutierrez to shine.

Si Isha ay tinaguriang “Asia’s Pop Sweetheart ” samantalang si Andrea ay binansagang ” Bossa Nova Princess.”

Sa presscon ng kanilang upcoming concert na “The Next Ones”, natanong sila kung sino ang kanilang mga idolong gustong sundan ang yapak.

Ani Isha, bet daw niyang maging next Popstar Royalty.

“Ako po, Sarah Geronimo. Mula bata pa lang po ako, idol ko talaga si Sarah and Sharon po. Pero ano po kasi, yung dad ko, mahilig po sa songs ni Sharon,” ani Isha.

Ayon naman kay Andrea, inspirasyon niya ang idolo niyang Asia’s Nightingale.

“Si Lani Misalucha po. Kasi before po ako mag-bossa nova, ang mga kinakanta ko po iyong mga ‘Tila’ kasi ganyan po ang songs ni Miss Lani,” sey ni Andrea.

Sa kaso ng multi-talented na si Isha na isa ring composer, bet daw niyang ipag-compose ng mga kanta sina Sarah G at Arthur Nery.

Kapuri-puri rin na ang 19-year old singer ay nakalikha na ng 24 songs kung saan 19 ang nai-record na.

Dagdag pa niya, nais din daw niyang subukan ang pag-aartista kung mabibigyan ng chance.

” If there is an opportunity po.

siyempre kukunin ko po. Kasi may experience na rin po kasi ako sa acting, ” bulalas ni Isha.

Si Andrea naman ay happy dahil natupad na ang pangarap na maging pharmacist.

“I am so happy po na nakapasa na po ako sa licensure exam,” hirit niya.

Sina Isha at Andrea ay tampok sa concert na “The Next Ones” na gaganapin sa Music Museum sa Greenhills, San Juan sa Disyembre 13 sa ganap na alas-8 ng gabi.

Kakantahin nila ang kanilang OPM Christmas songs na “Wala Ka Sa Pasko” at

“Ngayong Pasko.”

Special guests naman sa show sina Rey Valera, Aquila Packing, Nathan Randal, Graciel Hizon, Raymond Gorospe; at Maurice, Div9, Azter bilang front acts.

Mula sa produksyon ng Ponti Entertainment Production, ang “The Next Ones” ay mula sa concert direction ni Calvin Neria at musical direction ni Adonis Tabanda.